Pahayag 17 (Revelation)
Ang Babaing Nakupo sa Mabangis na Hayop
Ang Babaing Nakupo sa Mabangis na Hayop
1Ang isa sa mga pitong anghel na may taglay ng pitong mga mangkok ay lumabas at nagsalita sa akin na sinasabi: Halika rito. Ipapakita ko sa iyo ang hatol sa dakilang patutot na umuupo sa ibabaw ng maraming tubig. 2Ang mga hari sa lupa ay nakiapid sa kaniya at ang mga nananahan sa lupa ay nalasing ng alak ng kaniyang pakikiapid.
3At dinala niya ako sa ilang sa Espiritu. Nakita ko ang isang babaeng umuupo sa ibabaw ng isang pulang mabangis na hayop. Ito ay puno ng mga pangalan ng pamumusong, at may pitong ulo at sampung sungay. 4Ang babae ay nakasuot ng ube at pulang mga damit. Siya ay nagayakan ng ginto at mamahaling mga bato at perlas. Siya ay may isang sarong ginto sa kaniyang kamay. Ito ay puno ng mga bagay na karumal-dumal at karumihan ng kaniyang pakikiapid. 5Sa kaniyang noo ay may nakasulat na isang pangalan: HIWAGA ANG DAKILANG BABILONYA. ANG INA NG MGA PATUTOT AT NG MGA KARUMAL-DUMAL SA LUPA. 6At nakita ko ang babae na nalasing sa dugo ng mga banal at sa dugo ng mga saksi ni Jesus. Nang makita ko siya, ako ay namangha ng labis na pamamangha. 7At sinabi ng anghel sa akin: Bakit ka namangha? Sasabihin ko sa iyo ang hiwaga tungkol sa babae at tungkol sa mabangis na hayop na nagdadala sa kaniya. Ang mabangis na hayop ay may pitong mga ulo at sampung mga sungay. 8Ang mabangis na hayop na iyong nakita ay ang sa nakaraan ngunit hindi ang sa ngayon. Siya ay aahon mula sa walang hanggang kalaliman at patungo sa kapahamakan. Ang mga taong nananahan sa lupa, sila na ang mga pangalan ay hindi nakasulat sa aklat ng buhay simula pa nang itatag ang sanlibutan, ay mamamangha patungkol sa mabangis na hayop, kapag nakita nila ang mabangis na hayop na ito, na siyang sa nakaraan ngunit hindi ang sa ngayon at siyang darating pa.
9Dito ay kailangan ang isang kaisipan na may karunungan: Ang pitong ulo ay kumakatawan sa pitong mga bundok na kinauupuan ng babae. 10May pitong mga hari roon. Lima sa kanila ang bumagsak. Ang isa ay sa ngayon. Ang isa ay hindi pa dumating. At kapag siya ay dumating, siya ay kailangang mananatili sa sandaling panahon. 11Ang mabangis na hayop na siya ang sa nakaraan at hindi ang sa ngayon, siya rin ang pangwalong hari at mula sa pitong mga hari. Siya ay paroroon sa kapahamakan.

12Ang sampung sungay na iyong nakita ay ang sampung mga hari. Hindi pa nila natanggap ang kaharian. Subalit sila ay tatanggap ng kapamahalaan mula sa mabangis na hayop upang maghari ng isang oras. 13Ang mga haring ito ay may iisang kaisipan. Ibibigay nila ang kanilang kapangyarihan at kapamahalaan sa mabangis na hayop. 14Ang mga haring ito ay makikipagdigma laban sa Kordero. At lulupigin sila ng Kordero sapagkat siya ang Panginoon ng mga panginoon at Hari ng mga hari. Ang mga tinawag niya at hinirang at ang mga tapat ay yaong makakasama niya.
15Sinabi ng anghel sa akin: Ang mga tubig na iyong nakita na kinauupuan ng patutot ay mga tao at napakaraming tao at mga bansa at mga wika. 16Ang sampung sungay na iyong nakita sa mabangis na hayop ay mapopoot sa patutot at siya ay kanilang wawasakin, huhubaran, kakainin ang kaniyang laman at susunugin sa apoy. 17Ito ay sapagkat ilalagay ng Diyos sa kanilang mga puso na gawin nila ang nais niya. Gagawin nila ito na may iisang kaisipan at ibibigay nila ang kanilang mga paghahari sa mabangis na hayop hanggang sa lubos na maganap ang mga sinalita ng Diyos. 18At ang babae na iyong nakita ay ang dakilang lungsod na naghahari sa mga hari sa lupa.
No comments:
Post a Comment