Sunday, June 22, 2008

Hebrews 12 (Hebreo)

Hebrews 12 (Hebreo)

God Disciplines His Sons
1Therefore, since we are surrounded by such a great cloud of witnesses, let us throw off everything that hinders and the sin that so easily entangles, and let us run with perseverance the race marked out for us. 2Let us fix our eyes on Jesus, the author and perfecter of our faith, who for the joy set before him endured the cross, scorning its shame, and sat down at the right hand of the throne of God. 3Consider him who endured such opposition from sinful men, so that you will not grow weary and lose heart. 4In your struggle against sin, you have not yet resisted to the point of shedding your blood. 5And you have forgotten that word of encouragement that addresses you as sons: "My son, do not make light of the Lord's discipline, and do not lose heart when he rebukes you, 6because the Lord disciplines those he loves, and he punishes everyone he accepts as a son."
7Endure hardship as discipline; God is treating you as sons. For what son is not disciplined by his father? 8If you are not disciplined (and everyone undergoes discipline), then you are illegitimate children and not true sons. 9Moreover, we have all had human fathers who disciplined us and we respected them for it. How much more should we submit to the Father of our spirits and live! 10Our fathers disciplined us for a little while as they thought best; but God disciplines us for our good, that we may share in his holiness. 11No discipline seems pleasant at the time, but painful. Later on, however, it produces a harvest of righteousness and peace for those who have been trained by it.
12Therefore, strengthen your feeble arms and weak knees. 13"Make level paths for your feet," so that the lame may not be disabled, but rather healed.

Warning Against Refusing God
14Make every effort to live in peace with all men and to be holy; without holiness no one will see the Lord. 15See to it that no one misses the grace of God and that no bitter root grows up to cause trouble and defile many. 16See that no one is sexually immoral, or is godless like Esau, who for a single meal sold his inheritance rights as the oldest son. 17Afterward, as you know, when he wanted to inherit this blessing, he was rejected. He could bring about no change of mind, though he sought the blessing with tears. 18You have not come to a mountain that can be touched and that is burning with fire; to darkness, gloom and storm; 19to a trumpet blast or to such a voice speaking words that those who heard it begged that no further word be spoken to them, 20because they could not bear what was commanded: "If even an animal touches the mountain, it must be stoned." 21The sight was so terrifying that Moses said, "I am trembling with fear."
22But you have come to Mount Zion, to the heavenly Jerusalem, the city of the living God. You have come to thousands upon thousands of angels in joyful assembly, 23to the church of the firstborn, whose names are written in heaven. You have come to God, the judge of all men, to the spirits of righteous men made perfect, 24to Jesus the mediator of a new covenant, and to the sprinkled blood that speaks a better word than the blood of Abel.
25See to it that you do not refuse him who speaks. If they did not escape when they refused him who warned them on earth, how much less will we, if we turn away from him who warns us from heaven? 26At that time his voice shook the earth, but now he has promised, "Once more I will shake not only the earth but also the heavens." 27The words "once more" indicate the removing of what can be shaken—that is, created things—so that what cannot be shaken may remain.
28Therefore, since we are receiving a kingdom that cannot be shaken, let us be thankful, and so worship God acceptably with reverence and awe, 29for our "God is a consuming fire."

Hebreo 12 (Hebrews)

Hebreo 12 (Hebrews)

Tinutuwid ng Diyos ang Kaniyang mga Anak
1Kaya nga, tayo rin naman ay napapalibutan ng gayong makapal na ulap ng mga saksi. Ating isaisangtabi ang bawat bagay na humahadlang sa atin at ang kasalanang napakadaling bumalot sa atin. Takbuhin nating may pagtitiis ang takbuhing inilaan sa atin. 2Ituon natin ang ating mga mata kay Jesus na siya ang nagpasimula at nagpapaging-ganap ng ating pananampalataya. Siya ay nagbata ng krus alang-alang sa kagalakang itinalaga sa kaniya at hinamak niya ang kahihiyan. Pagkatapos ay umupo sa kanang kamay ng trono ng Diyos. 3Dapat ninyo siyang isaalang-alang na mabuti upang huwag kayong manlupaypay at huwag manghina ang inyong kaluluwa, dahil siya ay nagtiis ng labis na pagsalungat mula sa mga taong makasalanang laban sa kaniya. 4Sa pakikibaka ninyo laban sa kasalanan ay hindi pa kayo humantong sa pagdanak ng inyong dugo. 5Nakalimutan na ba ninyo ang salitang nagpapalakas ng inyong loob na tumutukoy sa inyo bilang mga anak? Ang sinasabi: Anak ko, kung itinutuwid ka ng Panginoon, huwag mong ipagwalang bahala. At kung sina-saway ka niya, huwag manghina ang iyong loob. 6Sapagkat itinutuwid ng Panginoon ang mga iniibig niya, pinapalo ang bawat tina-tanggap niya bilang anak.
7Kung nagbabata kayo ng pagtutuwid, ang Diyos ay siyang gumagawa sa inyo bilang mga anak. Sapagkat alin bang anak ang hindi itinutuwid ng kaniyang ama? 8Ang lahat ng anak ay dumaranas ng pagtutuwid. Ngunit kung hindi kayo itinutuwid, kayo ay mga anak sa labas at hindi kayo mga tunay na anak. 9Higit pa dito, lahat tayo ay may mga ama sa laman at itinutuwid nila tayo. At iginagalang natin sila. Hindi ba lalong nararapat na handa tayong magpasakop sa ating Ama ng espiritu upang tayo ay mabuhay? 10Sapagkat sila ay nagtutuwid sa atin, ayon sa ipinapalagay nilang mabuti, sa maikling panahon. Ngunit ang Diyos ay tumutuwid para sa ating kapakinabangan at upang tayo ay maging kabahagi ng kaniyang kabanalan. 11Ngunit walang pagtutuwid na parang kasiya-siya sa kasalukuyan. Ito ay masakit ngunit sa katagalan, ito ay nagdudulot ng mapayapang bunga ng katuwiran, sa mga nasasanay ng pagtutuwid.
12Kaya nga, itaas ninyo ang inyong mga nanghihinang kamay at ituwid ninyo ang inyong mga tuhod na nangangatog. 13At tuwirin ninyo ang mga daraanan ng inyong mga paa upang ang mga lumpo ay huwag malihis, sa halip, sila ay gumaling.

Babala Laban sa Pagtanggi sa Diyos
14Sikapin ninyong mamuhay ng may kapayapaan at kabanalan sa lahat ng tao, dahil walang sinumang makakakita sa Panginoon kung wala ito. 15Mag-ingat kayo baka mayroong magkulang sa biyaya ng Diyos. Ingatan ninyo na baka may sumibol na ugat ng sama ng loob na siyang dahilan ng kaguluhan at sa pamamagitan nito ay nadudungisan ang marami. 16Tiyakin ninyo na walang matagpuan sa inyo na taong imoral o mapaglapastangan tulad ni Esau na kaniyang ipinagbili ang karapatang magmana bilang panganay na anak na lalaki dahil sa isang pagkain. 17Sapagkat alam na ninyong lahat kung ano ang nangyari pagkatapos. Nang ibig na niyang manahin ang basbas, itinakwil siya ng Diyos. Bagaman si Esau ay humanap ng paraan na may pagluha upang siya ay makapagsisi, hindi siya makahanap ng pagkakataon para makapagsisi. 18Sapagkat hindi kayo nakalapit sa bundok na inyong mahihipo na naglalagablab sa apoy, sa kapusikitan, sa kadiliman at sa unos. 19At ang naroon ay tunog ng trumpeta at ang tinig ng mga salita. Pagkarinig nila ng tinig nito, nagsumamo sila na huwag nang banggitin sa kanilang muli ang mga salitang ito. 20Sapagkat hindi nila makayanang dalhin ang iniutos na sinabi: Kung ang isang hayop ay madikit sa bundok, dapat ninyong batuhin at sa pamagitan ng sibat ay inyong tuhugin. 21Dahil ang tanawin ay labis na nakakasindak, sinabi ni Moises: Nilukuban ako ng takot at ako ay nanginig.
22Subalit kayo ay nakalapit na sa bundok ng Zion at sa lungsod ng buhay na Diyos, sa Jerusalem na maka-langit at sa hindi mabilang na mga anghel. 23Lumapit na kayo sa pangkalahatang pagtitipon at sa iglesiya ng mga panganay na nakatala sa kalangitan. Lumapit na kayo sa Diyos na hukom ng lahat at sa mga espiritu ng mga matuwid na pinaging-ganap. 24Lumapit na kayo kay Jesus na siyang tagapamagitan ng isang bagong tipan at sa dugo na kaniyang iwinisik na nangungusap ng higit na mabubuting bagay kaysa sa dugo ni Abel.
25Tiyakin ninyo na hindi ninyo tinatanggihan ang nagsasalita. Sapagkat kung ang mga tumanggi sa nagsalita sa lupa ay hindi makakaligtas sa paghatol. Ang ating kahatulan ay lalong tiyak kung tatalikuran natin siya na nagmula sa langit. 26Noon ang kaniyang tinig ay yumanig sa lupa. Ngunit ngayon siya ay nangako na sinasabi: Minsan na lang ay yayanigin ko hindi lamang ang lupa kundi gayundin ang langit. 27Nang gamitin niya ang katagang, minsan na lang, ang ibig niyang sabihin ay aalisin niya ang lahat ng bagay na mayayanig, na ang mga ito ay ang mga bagay na ginawa, upang ang mga bagay na hindi mayayanig ay manatili.
28Tinanggap natin ang isang paghahari na walang makakayanig. Kaya nga, tayo nawa ay magkaroon ng biyaya na sa pamamagitan nito, tayo ay maghahandog ng paglilingkod na kalugud-lugod sa Diyos, na may banal na paggalang at pagkatakot. 29Sapagkat ang ating Diyos ay isang apoy na tumutupok.

Saturday, June 21, 2008

Hebrews 13 (Hebreo)

Hebrews 13 (Hebreo)

Concluding Exhortations 1Keep on loving each other as brothers. 2Do not forget to entertain strangers, for by so doing some people have entertained angels without knowing it. 3Remember those in prison as if you were their fellow prisoners, and those who are mistreated as if you yourselves were suffering. 4Marriage should be honored by all, and the marriage bed kept pure, for God will judge the adulterer and all the sexually immoral. 5Keep your lives free from the love of money and be content with what you have, because God has said, "Never will I leave you; never will I forsake you."[a] 6So we say with confidence, "The Lord is my helper; I will not be afraid. What can man do to me?"[b]
7Remember your leaders, who spoke the word of God to you. Consider the outcome of their way of life and imitate their faith. 8Jesus Christ is the same yesterday and today and forever.
9Do not be carried away by all kinds of strange teachings. It is good for our hearts to be strengthened by grace, not by ceremonial foods, which are of no value to those who eat them. 10We have an altar from which those who minister at the tabernacle have no right to eat.
11The high priest carries the blood of animals into the Most Holy Place as a sin offering, but the bodies are burned outside the camp. 12And so Jesus also suffered outside the city gate to make the people holy through his own blood. 13Let us, then, go to him outside the camp, bearing the disgrace he bore. 14For here we do not have an enduring city, but we are looking for the city that is to come.
15Through Jesus, therefore, let us continually offer to God a sacrifice of praise—the fruit of lips that confess his name. 16And do not forget to do good and to share with others, for with such sacrifices God is pleased. 17Obey your leaders and submit to their authority. They keep watch over you as men who must give an account. Obey them so that their work will be a joy, not a burden, for that would be of no advantage to you.
18Pray for us. We are sure that we have a clear conscience and desire to live honorably in every way. 19I particularly urge you to pray so that I may be restored to you soon.
20May the God of peace, who through the blood of the eternal covenant brought back from the dead our Lord Jesus, that great Shepherd of the sheep, 21equip you with everything good for doing his will, and may he work in us what is pleasing to him, through Jesus Christ, to whom be glory for ever and ever. Amen.
22Brothers, I urge you to bear with my word of exhortation, for I have written you only a short letter.
23I want you to know that our brother Timothy has been released. If he arrives soon, I will come with him to see you.
24Greet all your leaders and all God's people. Those from Italy send you their greetings.
25Grace be with you all.

Hebreo 13 (Hebrews)

Hebreo 13 (Hebrews)

Pagtatapos na Payo 1Hayaan ninyong magpatuloy sa inyo ang pagmamahalan ng magkakapatid. 2Huwag ninyong kalimutan ang maging mapagpatuloy sa mga taga-ibang bayan. Sa pamamagitan nito, ang iba ay tumanggap ng mga anghel bilang mga panauhin na hindi nila ito nalalaman. 3Alalahanin ninyo ang mga bilanggo na waring kayo ay nabilanggo na kasama nila. At alalahanin ninyo iyong mga pinagmalupitan na waring kaisang-katawan din kayo. 4Ang pag-aasawa ay marangal sa lahat at ang pagsasamahan ng mag-asawa na walang dungis. Ngunit hahatulan ng Diyos ang mga mapakiapid at mga mangangalunya. 5Ang pamumuhay ninyo ay dapat walang pag-ibig sa salapi. Masiyahan na kayo sa mga bagay na taglay ninyo sapagkat sinabi ng Diyos: Kailanman ay hindi kita iiwan at kailanman ay hindi kita pababayaan.
6Kaya nga, masasabi natin na may pagtitiwala: Ang Panginoon ang aking katulong. Hindi ako matatakot. Ano ang magagawa ng tao sa akin?
7Alalahanin ninyo ang inyong mga tagapangasiwa na nagpahayag ng salita ng Diyos sa inyo. At tularan ninyo ang kanilang pananampalataya habang minamasdan ninyo ang hangarin ng kanilang buhay. 8Si Jesus ay siya pa rin kahapon, ngayon, bukas at magpakailanman.
9Huwag ninyong hayaan na madala kayo ng lahat ng uri at kakaibang mga katuruan. Sapagkat mabuting pagtibayin natin ang ating mga puso sa pamamagitan ng biyaya at hindi sa pamamagitan ng pagkain. Ang pagkain ay hindi makakapagbigay ng kapakinabangan sa mga nabubuhay sa pamamagitan nito. 10Tayo ay may isang dambana. Ang mga saserdote na naglilingkod sa makalupang tabernakulo ay walang karapatang kumain dito.
11Sapagkat ang pinakapunong-saserdote ay nagdala ng dugo ng hayop sa kabanal-banalang dako bilang isang hain para sa kasalanan. Kapag ginagawa nila ito, sinusunog nila ang katawan ng mga hayop sa labas ng kampamento. 12Kaya nga, gayundin naman kay Jesus, ng mapaging-banal niya ang mga tao sa pamamagitan ng kaniyang dugo, naghirap siya sa labas ng tarangkahan ng lungsod. 13Kaya nga, tayo ay lumapit sa kaniya sa labas ng kampamento na binabata ang kaniyang kahihiyan. 14Sapagkat wala tayong nananatiling lungsod dito. Subalit hinahangad natin ang lungsod na darating.
15Kaya sa pamamagitan niya, patuloy tayong magdala ng handog ng papuri sa Diyos. Ang ating hain ay ang bunga ng mga labi na nagpapahayag ng kaniyang pangalan. 16Ang paggawa ng mabuti at pakikibahagi sa paglilingkod ay huwag ninyo itong kaliligtaan sapagkat kalugud-lugod sa Diyos ang mga handog na tulad nito.
17Sundin ninyo ang mga nangangasiwa sa inyo at magpasakop kayo sa kanilang pamamahala sapagkat iniingatan nilang patuloy ang inyong mga kaluluwa bilang mga magbibigay sulit para sa inyo. Sundin ninyo sila upang magawa nila itong may kagalakan at hindi nang may kahapisan, sapagkat ito ay hindi magiging kapakipakinabang sa inyo.
18Ipanalangin ninyo kami. Natitiyak naming malinis ang aming budhi. At ibig naming mamuhay nang maayos sa lahat ng bagay. 19Masikap kong ipinamamanhik sa inyo na ipanalangin ninyo ako upang makasama ko kayo sa lalong madaling panahon.
20Ngayon, ang Diyos ng kapayapaan ang magpapatibay sa inyong bawat gawang mabuti. Siya yaong sa pamamagitan ng dugo ng walang hanggang tipan ang nagbangon muli sa ating Panginoong Jesus mula sa mga patay na siyang Dakilang Pastol ng mga tupa. 21Gawin nawa niya kayong ganap sa bawat mabubuting gawa upang gawin ang kaniyang kalooban. Sa pamamagitan ni Jesucristo, maisasagawa niya sa inyo ang anumang makakalugod sa kaniya. Sumakaniya ang kaluwalhatian magpakailanman. Siya nawa.
22Mga kapatid ko, ipinamamanhik ko sa inyo, na inyong tiisin ang salita ng matapat na panghihikayat, bagaman sinulatan ko na kayo ng maiksing sulat.
23Alamin ninyo na ang ating kapatid na si Timoteo ay pinalaya na nila. Kapag siya ay dumating agad, sasama ako sa kaniya at magkikita tayo.
24Batiin ninyo ang lahat ninyong tagapangasiwa at ang lahat ng mga banal. Binabati kayo ng mga nasa Italia.
25Ang biyaya ang sumainyong lahat. Siya nawa!

Saturday, June 14, 2008

Santiago 1 (James 1)


Santiago 1 (James 1)


1Akong si Santiago ay isang alipin ng Diyos at ng Panginoong Jesucristo. Binabati ko ang labindalawang lipi ni Israel na nakakalat sa iba't ibang bansa.


Mga Pagsubok at mga Tukso


2Mga kapatid ko, ituring ninyong buong kagalakan kapag dumaranas kayo ng iba't ibang uri ng pagsubok. 3Nalalaman ninyo na ang pagsubok sa inyong pananampalataya ay nagbubunga ng pagtitiis. 4Ngunit hayaan ninyong ang pagtitiis ay magkaroon ng kaniyang ganap na gawa upang kayo ay maging ganap at buo. Sa gayon, kayo ay maging ganap at lubos na walang anumang kakulangan. 5Kung ang sinuman sa inyo ay kulang sa karunungan, humingi siya sa Diyos at iyon ay ibibigay sa kaniya. Ang Diyos ay nagbibigay nang masagana sa lahat at hindi nagagalit. 6Ngunit kapag siya ay humingi, humingi siyang may pananampalataya at walang pag-aalinlangan sapagkat ang taong nag-aalinlangan ay katulad ng isang alon sa dagat na tinatangay at ipinapadpad ng hangin. 7Ang taong nag-aalinlangan ay hindi dapat mag-isip na siya ay tatanggap ng anuman mula sa Panginoon. 8Ang taong nagdadalawang-isip ay hindi matatag sa lahat ng kaniyang mga lakad.
9Magmapuri ang kapatid na may mababang kalagayan dahil sa kaniyang pagkakataas. 10Magmapuri din naman ang mayaman dahil sa kaniyang pagkakababa sapagkat tulad ng bulaklak ng damo, siya ay lilipas. 11Ito ay sapagkat ang araw ay sumisikat na may matinding init at tinutuyo ang damo. Ang bulaklak ng damo ay nalalagas at sinisira ng araw ang kaakit-akit na anyo nito. Gayundin naman ang mayaman, siya ay lumilipas sa kaniyang mga lakad.
12Pinagpala ang taong nagtitiis ng pagsubok dahil kapag siya ay nasubok na, tatanggap siya ng putong ng buhay na ipinangako ng Panginoon sa kanila na umiibig sa kaniya.
13Huwag sabihin ng sinumang tinutukso: Ako ay tinutukso ng Diyos. Ito ay sapagkat ang Diyos ay hindi maaaring matukso ng mga kasamaan at hindi niya tinutukso ang sinuman. 14Ang bawat tao ay natutukso kapag siya ay nahihila ng kaniyang masidhing pita at siya ay nasisilo nito. 15Kapag ang masidhing pita ay naglihi, ito ay nanganganak ng kasalanan. Kung ang kasalanan ay naganap, ito ay nagbubunga ng kamatayan.
16Minamahal kong mga kapatid, huwag kayong padaya kaninuman. 17Ang bawat mabuting pagbibigay at bawat ganap na kaloob ay mula sa itaas at nagbubuhat sa Ama ng mga liwanag na walang pagbabago, ni anino man ng pagtalikod. 18Sa kaniyang sariling kalooban ay ipinanganak niya tayo sa pamamagitan ng salita ng katotohanan upang maging isang uri tayo ng mga unang-bunga ng kaniyang mga nilikha.


Pakikinig at Pagsasagawa



19Kaya nga, mga minamahal kong kapatid, ang bawat tao ay dapat maging maagap sa pakikinig at maging mahinahon sa pagsasalita at hindi madaling mapoot. 20Ito ay sapagkat ang poot ng tao ay hindi gumagawa ng katuwiran ng Diyos. 21Kaya nga, hubarin ninyo ang lahat ng karumihan at ang pag-uumapaw ng kasamaan. Tanggapin ninyo nang may kababaan ng loob ang salitang ihinugpong sa inyo na makakapagligtas sa inyong mga kaluluwa.
22Maging tagatupad kayo ng salita at huwag maging taga-pakinig lamang, na dinadaya ninyo ang inyong mga sarili. 23Ang sinumang tagapakinig ng salita ngunit hindi tagatupad nito ay natutulad sa isang taong minamasdan ang kaniyang likas na mukha sa salamin. 24Pagkatapos niyang masdan ang kaniyang sarili, siya ay lumisan at kinalimutan niya kaagad kung ano ang uri ng kaniyang pagkatao. 25Ngunit ang sinumang tumitingin sa ganap na kautusan ng kalayaan at nananatili rito ay tagapakinig na hindi nakakalimot sa halip siya ay tagatupad ng salita. Ang taong ito ay pagpapalain sa kaniyang ginagawa.
26Kung ang sinuman sa inyo ay waring relihiyoso at hindi niya pinipigil ang kaniyang dila, subalit dinadaya niya ang kaniyang puso, ang kaniyang relihiyon ay walang kabuluhan. 27Ang dalisay at walang dungis na relihiyon sa harapan ng Diyos Ama ay ang pagdalaw sa mga ulila at sa mga babaeng balo sa kanilang paghihirap. Ito ay upang maingatan ang kaniyang sarili na hindi mabahiran ng sanlibutan.

James 2 (Santiago 2)

James 2 (Santiago 2)

Favoritism Forbidden
1My brothers, as believers in our glorious Lord Jesus Christ, don't show favoritism. 2Suppose a man comes into your meeting wearing a gold ring and fine clothes, and a poor man in shabby clothes also comes in. 3If you show special attention to the man wearing fine clothes and say, "Here's a good seat for you," but say to the poor man, "You stand there" or "Sit on the floor by my feet," 4have you not discriminated among yourselves and become judges with evil thoughts?
5Listen, my dear brothers: Has not God chosen those who are poor in the eyes of the world to be rich in faith and to inherit the kingdom he promised those who love him? 6But you have insulted the poor. Is it not the rich who are exploiting you? Are they not the ones who are dragging you into court? 7Are they not the ones who are slandering the noble name of him to whom you belong?
8If you really keep the royal law found in Scripture, "Love your neighbor as yourself," you are doing right. 9But if you show favoritism, you sin and are convicted by the law as lawbreakers. 10For whoever keeps the whole law and yet stumbles at just one point is guilty of breaking all of it. 11For he who said, "Do not commit adultery," also said, "Do not murder." If you do not commit adultery but do commit murder, you have become a lawbreaker.
12Speak and act as those who are going to be judged by the law that gives freedom, 13because judgment without mercy will be shown to anyone who has not been merciful. Mercy triumphs over judgment!

Faith and Deeds


14What good is it, my brothers, if a man claims to have faith but has no deeds? Can such faith save him? 15Suppose a brother or sister is without clothes and daily food. 16If one of you says to him, "Go, I wish you well; keep warm and well fed," but does nothing about his physical needs, what good is it? 17In the same way, faith by itself, if it is not accompanied by action, is dead.
18But someone will say, "You have faith; I have deeds." Show me your faith without deeds, and I will show you my faith by what I do.
19You believe that there is one God. Good! Even the demons believe that—and shudder.
20You foolish man, do you want evidence that faith without deeds is useless? 21Was not our ancestor Abraham considered righteous for what he did when he offered his son Isaac on the altar? 22You see that his faith and his actions were working together, and his faith was made complete by what he did. 23And the scripture was fulfilled that says, "Abraham believed God, and it was credited to him as righteousness," and he was called God's friend. 24You see that a person is justified by what he does and not by faith alone.
25In the same way, was not even Rahab the prostitute considered righteous for what she did when she gave lodging to the spies and sent them off in a different direction? 26As the body without the spirit is dead, so faith without deeds is dead.

Monday, June 9, 2008

Santiago 2 (James 2)

Santiago 2 (James 2)


Huwag Magtatangi ng Isang Tao nang Higit sa Iba



1Mga kapatid ko, kayo ay may pananampalataya na nasa Panginoong Jesucristo na Panginoon ng kaluwalhatian at kayo na may pananampalatayang ito ay huwag magkaroon ng pagtatangi ng mga tao. 2Maaaring may pumasok sa inyong sinagoga na isang taong may gintong singsing at marangyang kasuotan. Maaari ding may pumasok na isang taong dukha na napakarumi ng damit. 3At higit ninyong binigyan ng pansin ang may marangyang kasuotan at sinasabi mo sa kaniya: Maupo po kayo rito sa magandang dako. Sa taong dukha ay sinasabi mo: Tumayo ka na lang dito o di kaya ay maupo ka sa tabi ng patungan ng aking paa. 4Hindi ba kayo rin ay may mga pagtatangi-tangi sa inyong mga sarili? Hindi ba kayo ay naging mga tagahatol na may masasamang isipan?
5Makinig kayo, minamahal kong mga kapatid. Hindi ba pinili ng Diyos ang mga dukha sa sanlibutang ito na mayayaman sa pananampalataya? Hindi ba pinili silang taga-pagmana ng paghaharing ipinangako niya sa mga umiibig sa kaniya? 6Hinamak ninyo ang taong dukha. Hindi ba ang mayayaman ang umaapi sa inyo at kumakaladkad sa inyo sa harap ng mga hukuman? 7Hindi ba sila ang lumalait sa mabuting pangalan na itinatawag sa inyo?
8Kung tinutupad ninyo ang maharlikang kautusan ayon sa kasulatan, mabuti ang inyong ginagawa. Ito ay nagsasabi: Ibigin mo ang iyong kapwa tulad ng pag-ibig mo sa iyong sarili. 9Kaya kung kayo ay nagtatangi ng tao, kayo ay nagkakasala at sinusuway ang kautusan bilang mga lumalabag. 10Ang sinumang tumutupad sa buong kautusan ngunit natitisod sa isang bahagi ay nagkakasala sa buong kautusan. 11Ito ay sapagkat sinabi ng Diyos: Huwag kang makiapid. Sinabi rin niyang huwag kang papatay. Kung hindi ka man nakiapid ngunit ikaw naman ay pumatay, ikaw ay lumabag din sa kautusan.
12Kaya magsalita ka at gumawa tulad ng mga hahatulan na ng kautusan ng kalayaan. 13Ito ay sapagkat walang kahabagang hahatulan ng Diyos ang sinumang nagkait ng habag. Ang kahabagan ay nananaig sa kahatulan.


Pananampalataya at mga Gawa



14Mga kapatid ko, kung sabihin ng isang tao na siya ay may pananampalataya subalit wala siyang mga gawa, ano ang pakinabang noon? Maililigtas ba siya ng pananampalataya? 15Maaaring ang isang kapatid na lalaki o babae ay walang damit o kinukulang sa pang-araw-araw na pagkain. 16At ang isa sa inyo ay nagsabi sa kanila: Humayo kayo nang mapayapa. Magpainit kayo at magpakabusog. Ngunit hindi mo naman ibinigay sa kanila ang mga kailangan ng katawan, ano ang kapakinabangan noon? 17Ganiyan din ang pananampalataya, kung wala itong mga gawa, ito ay patay sa kaniyang sarili.
18Maaaring may magsabi: Ikaw ay may pananampalataya, ako ay may mga gawa. Ipakita mo ang iyong pananampalataya na wala ang iyong mga gawa at ipapakita ko sa iyo ang aking pananampalataya sa pamamagitan ng aking mga gawa. 19Nananampalataya kang iisa ang Diyos. Mabuti ang iyong ginagawa. Maging ang mga demonyo ay nananampalataya at nanginginig.
20Ikaw na taong walang kabuluhan, ibig mo bang malaman na ang pananampalatayang walang mga gawa ay patay? 21Hindi ba ang ating amang si Abraham ay pinaging-matuwid sa pamamagitan ng mga gawa? Ito ay nang ihandog niya sa dambana ang kaniyang anak na si Isaac. 22Iyong nakita na ang pananampalataya ay gumagawang kalakip ng kaniyang mga gawa at ang pananampalataya ay naging ganap sa pamamagitan ng mga gawa. 23At naganap ang kautusan na sinabi: Sinampalatayanan ni Abraham ang Diyos at ito ay ibinilang sa kaniya na katuwiran at tinawag siyang kaibigan ng Diyos. 24Nakikita ninyong ang tao ay pinapaging-matuwid sa pamamagitan ng mga gawa at hindi sa pamamagitan ng pananampalataya lamang.
25Hindi ba sa gayunding paraan si Rahab na isang patutot ay pinaging-matuwid sa pamamagitan ng mga gawa? Matapos niyang tanggapin ang mga sugo, sila ay pinaalis niya at pinadaan sa ibang landas. 26Kung paanong ang katawang walang espiritu ay patay, gayundin ang pananampalataya na walang mga gawa.

James 3 (Santiago 3)

James 3 (Santiago 3)


Taming the Tongue


1Not many of you should presume to be teachers, my brothers, because you know that we who teach will be judged more strictly. 2We all stumble in many ways. If anyone is never at fault in what he says, he is a perfect man, able to keep his whole body in check.
3When we put bits into the mouths of horses to make them obey us, we can turn the whole animal. 4Or take ships as an example. Although they are so large and are driven by strong winds, they are steered by a very small rudder wherever the pilot wants to go. 5Likewise the tongue is a small part of the body, but it makes great boasts. Consider what a great forest is set on fire by a small spark. 6The tongue also is a fire, a world of evil among the parts of the body. It corrupts the whole person, sets the whole course of his life on fire, and is itself set on fire by hell.
7All kinds of animals, birds, reptiles and creatures of the sea are being tamed and have been tamed by man, 8but no man can tame the tongue. It is a restless evil, full of deadly poison.
9With the tongue we praise our Lord and Father, and with it we curse men, who have been made in God's likeness. 10Out of the same mouth come praise and cursing. My brothers, this should not be. 11Can both fresh water and salt water flow from the same spring? 12My brothers, can a fig tree bear olives, or a grapevine bear figs? Neither can a salt spring produce fresh water.


Two Kinds of Wisdom


13Who is wise and understanding among you? Let him show it by his good life, by deeds done in the humility that comes from wisdom. 14But if you harbor bitter envy and selfish ambition in your hearts, do not boast about it or deny the truth. 15Such "wisdom" does not come down from heaven but is earthly, unspiritual, of the devil. 16For where you have envy and selfish ambition, there you find disorder and every evil practice.
17But the wisdom that comes from heaven is first of all pure; then peace-loving, considerate, submissive, full of mercy and good fruit, impartial and sincere. 18Peacemakers who sow in peace raise a harvest of righteousness.

Santiago 3 (James 3)

Santiago 3


Pagpapaamo ng Dila


1Mga kapatid ko, nalalaman ninyo na tayong mga guro ay tatanggap ng lalong higit na kahatulan. Kaya nga, huwag maging guro ang marami sa inyo. 2Ito ay sapagkat tayong lahat sa maraming paraan ay natitisod. Kung ang sinuman ay hindi nagkakamali sa kaniyang pananalita, siya ay taong ganap at napipigil niya ang kaniyang buong katawan.
3Narito, nilalagyan natin ng bokado ang bibig ng mga kabayo upang tayo ay sundin nila. Sa pamamagitan ng bokado ay naililiko natin ang buong katawan nila. 4Tingnan din ninyo ang mga barko. Ang mga ito ay malalaki at itinutulak ng malalakas na hangin. Gayunman, bagamat malalaki, ang mga ito ay inililiko ng napakaliit na timon saan man naisin ng taga-timon. 5Gayundin naman ang dila. Ito ay isang maliit na bahagi ng katawan ngunit nagyayabang ng mga dakilang bagay. Narito, ang maliit na apoy ay nagpapaliyab ng malalaking kahoy. 6Ang dila ay tulad ng apoy, sanlibutan ng kalikuan. Ang dila ay bahagi ng ating katawan na dumudungis sa kabuuan nito. Sinusunog nito ang mga pamamaraan kung paano tayo nabubuhay at ito ay pinag-aapoy ng impiyerno.
7Ito ay sapagkat napaamo na ang lahat ng uri ng mga hayop at mga ibon at mga gumagapang na hayop at mga bagay sa dagat. At ito ay paaamuin ng tao. 8Ngunit walang nakapagpaamo sa dila. Ito ay masamang bagay na hindi mapipigil at puno ng kamandag na nakakamatay.
9Sa pamamagitan ng dila ay pinupuri natin ang Diyos Ama. Ginagamit din natin ito sa pagsumpa sa mga taong ginawa ng Diyos ayon sa kaniyang wangis. 10Sa pamamagitan ng gayunding bibig ay lumalabas ang pagpuri at pagsumpa. Mga kapatid ko, hindi dapat maging ganito ang mga bagay na ito. 11Ang bukal ba ay naglalabas ng matamis at ng mapait na tubig sa iisang butas? 12Mga kapatid ko, makakapagbunga ba ng olivo ang puno ng igos? O ang puno ba ng ubas ay makakapagbunga ng igos? Gayundin, ang bukal ay hindi makakapaglabas ng maalat at matamis na tubig.


Dalawang Uri ng Karunungan



13Sino sa inyo ang matalino at nakakaunawa? Hayaang ipakita niya sa pamamagitan ng mabuting pamumuhay ang kaniyang mga gawa na may mapagpakumbabang karunungan. 14Maaaring magkaroon ng mapait na pag-iinggitan at makasariling pagnanasa sa inyong mga puso. Kung mayroon man, huwag kayong magmapuri at magsinungaling laban sa katotohanan. 15Ang karunungang ito ay hindi nagmumula sa itaas, subalit ito ay mula sa lupa, makalaman at mula sa mga demonyo. 16Kung saan may pag-iinggitan at makasariling pagnanasa, naroroon ang kaguluhan at lahat ng masamang bagay.
17Ang karunungang nagmumula sa itaas una, sa lahat, ay dalisay, pagkatapos ay mapayapa, maamo, nagpapasakop, puno ng kahabagan at may mabubuting bunga. Ito ay hindi nagtatangi at walang pagpapakunwari. 18Ngunit ang bunga ng katuwiran ay itinatanim sa kapayapaan para doon sa mga gumagawa ng kapayapaan.

James 4 (Santiago 4)

James 4 (Santiago 4)


Submit Yourselves to God


1What causes fights and quarrels among you? Don't they come from your desires that battle within you? 2You want something but don't get it. You kill and covet, but you cannot have what you want. You quarrel and fight. You do not have, because you do not ask God. 3When you ask, you do not receive, because you ask with wrong motives, that you may spend what you get on your pleasures.
4You adulterous people, don't you know that friendship with the world is hatred toward God? Anyone who chooses to be a friend of the world becomes an enemy of God. 5Or do you think Scripture says without reason that the spirit he caused to live in us envies intensely? 6But he gives us more grace. That is why Scripture says: "God opposes the proud but gives grace to the humble."
7Submit yourselves, then, to God. Resist the devil, and he will flee from you. 8Come near to God and he will come near to you. Wash your hands, you sinners, and purify your hearts, you double-minded. 9Grieve, mourn and wail. Change your laughter to mourning and your joy to gloom. 10Humble yourselves before the Lord, and he will lift you up.
11Brothers, do not slander one another. Anyone who speaks against his brother or judges him speaks against the law and judges it. When you judge the law, you are not keeping it, but sitting in judgment on it. 12There is only one Lawgiver and Judge, the one who is able to save and destroy. But you—who are you to judge your neighbor?


Boasting About Tomorrow



13Now listen, you who say, "Today or tomorrow we will go to this or that city, spend a year there, carry on business and make money." 14Why, you do not even know what will happen tomorrow. What is your life? You are a mist that appears for a little while and then vanishes. 15Instead, you ought to say, "If it is the Lord's will, we will live and do this or that." 16As it is, you boast and brag. All such boasting is evil. 17Anyone, then, who knows the good he ought to do and doesn't do it, sins.

Santiago 4 (James 4)

Santiago 4 (James 4)


Ipasakop Ninyo sa Diyos ang Inyong mga Sarili


1Saan nagmula ang mga pag-aaway at mga paglalaban-laban sa inyo? Hindi ba ito ay nagmula sa inyong mga pagnanasa sa kalayawan na nag-aaway sa inyong katawan? 2May masidhi kayong paghahangad ngunit hindi kayo nagkakaroon. Kayo ay pumapatay at nag-iimbot ngunit hindi kayo nagkakamit. Kayo ay nag-aaway-away at naglalaban-laban. Hindi kayo nagkakaroon dahil hindi kayo humihingi. 3Humingi kayo, ngunit hindi kayo nakatanggap sapagkat ang inyong paghingi ay masama. Ang inyong hinihingi ay gagamitin ninyo sa inyong mga kalayawan. 4Hindi ba ninyo nalalaman, kayong mga mangangalunyang lalaki at babae na ang nagnanais maging kaibigan ng sanlibutan ay pakikipag-away sa Diyos? Kaya ang sinumang makikipagkaibigan sa sanlibutan ay kaaway ng Diyos. 5Sinasabi ng kasulatan: Ang Espiritung nananahan sa atin ay labis na naninibugho.
Sa palagay ba ninyo ay walang kabuluhan ang sinasabing ito ng kasulatan? 6Ngunit tayo ay binigyan niya ng higit pang biyaya. Dahil dito sinabi niya: Sinasalungat ng Diyos ang mga mapagmataas ngunit binibigyan niya ng biyaya ang mga mapagpakumbaba.
7Ipasakop nga ninyo ang inyong mga sarili sa Diyos. Labanan ninyo ang diyablo at siya ay lalayo sa inyo. 8Magsilapit kayo sa Diyos at siya ay lalapit sa inyo. Kayong mga makasalanan, linisin ninyo ang inyong mga kamay. Kayong mga taong nagdadalawang-isip, dalisayin ninyo ang inyong mga puso. 9Magdalamhati kayo, maghinagpis kayo at tumangis kayo. Palitan ninyo ang inyong pagtawa ng pagdadalamhati. Palitan ninyo ang inyong katuwaan ng kalungkutan. 10Magpakumbaba kayo sa harapan ng Panginoon at kayo ay itataas niya.
11Mga kapatid, huwag kayong magsalita ng masama laban sa isa't isa. Ang gumagawa nito at humahatol sa kaniyang kapatid ay nagsasalita ng masama laban sa kautusan at humahatol sa kautusan. Kung hinahatulan mo ang kautusan, hindi ka tagatupad ng kautusan. Ikaw ay tagahatol. 12Iisa lamang ang nagbigay ng kautusan. Siya ang makakapagligtas at makakapuksa. Sino ka upang humatol sa iba?


Pagyayabang Patungkol sa Kinabukasan


13Makinig kayo ngayon, kayong nagsasabi: Ngayon o kaya bukas, kami ay pupunta sa gayong lungsod. Mananatili kami roon ng isang taon. Kami ay mangangalakal at tutubo. 14Ngunit hindi ninyo nalalaman kung ano ang mangyayari sa kinabukasan. Ito ay sapagkat ano ang iyong buhay? Ito ay tulad sa isang singaw na sa maikling oras ay lumilitaw at pagkatapos ay naglalaho. 15Ito ang dapat ninyong sabihin: Kung kalooban ng Panginoon, mabubuhay tayo. Gagawin natin ang bagay na ito o ang gayong bagay. 16Datapuwa't ngayon ay nagmamapuri kayo sa inyong mga kayabangan. Ang lahat ng ganitong pagmamapuri ay napakasama. 17Kaya nga, ang sinumang nakakaalam sa paggawa ng mabuti at hindi ito ginagawa, ito ay kasalanan sa kaniya.

James 5 (Santiago 5)

James 5 (Santiago 5)


Warning to Rich Oppressors


1Now listen, you rich people, weep and wail because of the misery that is coming upon you. 2Your wealth has rotted, and moths have eaten your clothes. 3Your gold and silver are corroded. Their corrosion will testify against you and eat your flesh like fire. You have hoarded wealth in the last days. 4Look! The wages you failed to pay the workmen who mowed your fields are crying out against you. The cries of the harvesters have reached the ears of the Lord Almighty. 5You have lived on earth in luxury and self-indulgence. You have fattened yourselves in the day of slaughter. 6You have condemned and murdered innocent men, who were not opposing you.


Patience in Suffering


7Be patient, then, brothers, until the Lord's coming. See how the farmer waits for the land to yield its valuable crop and how patient he is for the autumn and spring rains. 8You too, be patient and stand firm, because the Lord's coming is near. 9Don't grumble against each other, brothers, or you will be judged. The Judge is standing at the door!
10Brothers, as an example of patience in the face of suffering, take the prophets who spoke in the name of the Lord. 11As you know, we consider blessed those who have persevered. You have heard of Job's perseverance and have seen what the Lord finally brought about. The Lord is full of compassion and mercy.
12Above all, my brothers, do not swear—not by heaven or by earth or by anything else. Let your "Yes" be yes, and your "No," no, or you will be condemned.


The Prayer of Faith


13Is any one of you in trouble? He should pray. Is anyone happy? Let him sing songs of praise. 14Is any one of you sick? He should call the elders of the church to pray over him and anoint him with oil in the name of the Lord. 15And the prayer offered in faith will make the sick person well; the Lord will raise him up. If he has sinned, he will be forgiven. 16Therefore confess your sins to each other and pray for each other so that you may be healed. The prayer of a righteous man is powerful and effective.
17Elijah was a man just like us. He prayed earnestly that it would not rain, and it did not rain on the land for three and a half years. 18Again he prayed, and the heavens gave rain, and the earth produced its crops. 19My brothers, if one of you should wander from the truth and someone should bring him back, 20remember this: Whoever turns a sinner from the error of his way will save him from death and cover over a multitude of sins.

Santiago 5 (James 5)

Santiago 5 (James 5)


Babala sa mga Mayayaman na Nang-aapi sa Ibang Tao


1Makinig kayo, kayong mayayaman. Kayo ay tumangis at humagulgol dahil sa darating na mga paghihirap ninyo. 2Ang mga kayamanan ninyo ay nangabulok. Ang mga damit ninyo ay kinain ng tanga. 3Ang inyong mga ginto at pilak ay kinalawang. Ang mga kalawang na ito ang magiging patotoo laban sa inyo at siyang kakain sa inyong mga laman tulad ng apoy. Kayo ay nag-imbak ng kayamanan para sa mga huling araw. 4Narito, ipinagkait ninyong may pandaraya ang mga upa ng mga manggagawang gumapas sa inyong mga bukirin. Ang kanilang mga upa ay umiiyak. Ang iyak ng mga manggagawang gumapas ay narinig ng Panginoon ng mga hukbo. 5Kayo ay namuhay sa lupang ito, sa karangyaan at pagpapasasa. Binusog ninyo ang inyong mga puso tulad sa araw ng katayan. 6Inyong hinatulan at pinatay ang taong matuwid. Hindi niya kayo tinutulan.

Pagtitiis sa Paghihirap


7Mga kapatid ko, magtiis kayo hanggang sa pagbabalik ng Panginoon. Narito, ang magsasaka ay naghihintay sa mahalagang bunga ng lupa. Hinihintay niya ito ng may pagtitiyaga hanggang sa matanggap nito ang una at huling ulan. 8Magtiis din nga kayo at patatagin ninyo ang inyong kalooban sapagkat malapit na ang pagbabalik ng Panginoon. 9Mga kapatid, huwag kayong magsumbatan sa isa't isa upang hindi kayo mahatulan. Narito, ang hukom ay nakatayo sa pintuan.
10Mga kapatid, gawin ninyong halimbawa ang mga propeta na nangaral sa pangalan ng Panginoon. Sila ang mga halimbawa na dumanas ng paghihirap at ng pagtitiis. 11Narito, itinuturing nating pinagpala ang mga nakapagtiis. Narinig ninyo ang pagtitiis ni Job at nalaman ninyo ang ginawa ng Panginoon sa katapusan na lubhang mapagmalasakit at maawain.
12Ngunit higit sa lahat, mga kapatid ko, huwag kayong susumpa sa pamamagitan ng langit, o lupa, o ng ano pa mang panunumpa. Ang inyong oo ay dapat maging oo, ang inyong hindi ay dapat maging hindi upang hindi kayo mahulog sa kahatulan.


Ang Panalanging may Pananampalataya


13Mayroon bang nahihirapan sa inyo? Manalangin siya. Mayroon bang masaya sa inyo? Magpuri siya. 14Mayroon bang may sakit sa inyo? Tawagin niya ang mga matanda sa iglesiya upang siya ay kanilang ipanalangin at pahiran ng langis sa pangalan ng Panginoon. 15Ang panalanging may pananampalataya ay makakapagpagaling sa taong maysakit at siya ay ibabangon ng Panginoon. Kung mayroon siyang nagawang mga pagkakasala, siya ay patatawarin. 16Ipahayag ninyo ang inyong mga pagsalangsang sa isa't isa. Manalangin kayo para sa isa't isa, upang gumaling kayo. Ang mabisa at taimtim na panalangin ng taong matuwid ay higit na malaki ang magagawa.
17Si Elias ay taong may damdamin ding tulad natin. Mataimtim siyang nanalangin na huwag umulan at hindi nga umulan sa lupa sa loob ng tatlo at kalahating taon. 18Muli siyang nanalangin at ang langit ay nagbuhos ng ulan, at ang lupa ay nagbigay ng ani.
19Mga kapatid, kung ang isa sa inyo ay lumihis sa katotohanan, maaring siya ay mapanumbalik ng isa sa inyo. 20Dapat malaman ng nagpanumbalik sa makasalanan mula sa pagkakaligaw na maililigtas niya ang isang kaluluwa mula sa kamatayan. Siya ay magtatakip ng maraming kasalanan.

1 Peter 1 (1 Pedro 1)

1 Peter 1 (1 Peter 1)

1Peter, an apostle of Jesus Christ, To God's elect, strangers in the world, scattered throughout Pontus, Galatia, Cappadocia, Asia and Bithynia, 2who have been chosen according to the foreknowledge of God the Father, through the sanctifying work of the Spirit, for obedience to Jesus Christ and sprinkling by his blood: Grace and peace be yours in abundance.


Praise to God for a Living Hope


3Praise be to the God and Father of our Lord Jesus Christ! In his great mercy he has given us new birth into a living hope through the resurrection of Jesus Christ from the dead, 4and into an inheritance that can never perish, spoil or fade—kept in heaven for you, 5who through faith are shielded by God's power until the coming of the salvation that is ready to be revealed in the last time. 6In this you greatly rejoice, though now for a little while you may have had to suffer grief in all kinds of trials. 7These have come so that your faith—of greater worth than gold, which perishes even though refined by fire—may be proved genuine and may result in praise, glory and honor when Jesus Christ is revealed. 8Though you have not seen him, you love him; and even though you do not see him now, you believe in him and are filled with an inexpressible and glorious joy, 9for you are receiving the goal of your faith, the salvation of your souls.
10Concerning this salvation, the prophets, who spoke of the grace that was to come to you, searched intently and with the greatest care, 11trying to find out the time and circumstances to which the Spirit of Christ in them was pointing when he predicted the sufferings of Christ and the glories that would follow. 12It was revealed to them that they were not serving themselves but you, when they spoke of the things that have now been told you by those who have preached the gospel to you by the Holy Spirit sent from heaven. Even angels long to look into these things.


Be Holy


13Therefore, prepare your minds for action; be self-controlled; set your hope fully on the grace to be given you when Jesus Christ is revealed. 14As obedient children, do not conform to the evil desires you had when you lived in ignorance. 15But just as he who called you is holy, so be holy in all you do; 16for it is written: "Be holy, because I am holy."
17Since you call on a Father who judges each man's work impartially, live your lives as strangers here in reverent fear. 18For you know that it was not with perishable things such as silver or gold that you were redeemed from the empty way of life handed down to you from your forefathers, 19but with the precious blood of Christ, a lamb without blemish or defect. 20He was chosen before the creation of the world, but was revealed in these last times for your sake. 21Through him you believe in God, who raised him from the dead and glorified him, and so your faith and hope are in God.
22Now that you have purified yourselves by obeying the truth so that you have sincere love for your brothers, love one another deeply, from the heart. 23For you have been born again, not of perishable seed, but of imperishable, through the living and enduring word of God. 24For, "All men are like grass, and all their glory is like the flowers of the field; the grass withers and the flowers fall, 25but the word of the Lord stands forever." And this is the word that was preached to you.

1 Pedro 1 (1 Peter 1)

1 Pedro 1 (1 Peter 1)


1Akong si Pedro ay apostol ni Jesucristo. Sa mga hinirang ng Diyos na pansamantalang nakikipamayan at nakakalat sa Ponto, Galacia, Cappadocia, Asya at Bitinia. 2Hinirang sila ayon sa paunang kaalaman ng Diyos Ama sa pamamagitan ng pagpapaging-banal ng Espiritu, patungo sa pagsunod at pagwiwisik ng dugo ni Jesucristo. Sumagana nawa sa inyo ang biyaya at kapayapaan.


Papuri sa Diyos para sa Isang Buhay na Pag-asa


3Purihin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesucristo sapagkat sa kaniyang dakilang kahabagan ay ipinanganak niya tayong muli patungo sa isang buhay na pag-asa sa pamamagitan ng pagkabuhay muli ni Jesucristo mula sa mga patay. 4Ginawa niya ito para sa isang manang hindi nabubulok, hindi narurumihan at hindi kumukupas na inilaan sa langit para sa atin. 5Ang kapangyarihan ng Diyos ang nag-iingat sa atin sa pamamagitan ng pananampalataya, para sa kaligtasang nakahandang ihayag sa huling panahon. 6Ito ang inyong ikinagagalak bagamat, ngayon sa sandaling panahon kung kinakailangan, ay pinalulumbay kayo sa iba't ibang pagsubok. 7Ito ay upang ang pagsubok sa inyong pananampalataya, na lalong higit na mahalaga kaysa ginto na nasisira, bagaman sinusubok sa pamamagitan ng apoy, ay masumpungan sa ikapupuri, ikararangal at ikaluluwalhati ni Jesucristo sa kaniyang kapahayagan. 8Kahit na hindi ninyo siya nakita, inibig ninyo siya. Kahit hindi ninyo siya nakikita ngayon ay nananampalataya kayo sa kaniya. Dahil dito, nagagalak kayo ng kagalakang hindi kayang ipaliwanag sa salita at puspos ng kaluwalhatian. 9Nagagalak kayo sapagkat tinatanggap ninyo ang layunin ng inyong pananampalataya na walang iba kundi ang kaligtasan ng inyong mga kaluluwa.
10Ang kaligtasang ito ay masusing sinisiyasat at sinusuri ng mga propetang naghayag sa biyayang darating sa inyo. 11Sinisiyasat nila kung sino at kung kailan mangyayari ang tinutukoy ng Espiritu ni Cristo na sumasakanila. Ang Espiritu ang nagpatotoo noon pang una patungkol sa mga kahirapan ni Cristo at ang mga kaluwalhatiang kasunod nito. 12Ipinahayag ito sa kanila subalit hindi para sa kanilang sarili kundi ipinaglingkod nila ito para sa atin. Ang bagay na ito ay ibinalita ngayon sa inyo sa pamamagitan ng mga tagapangaral ng ebanghelyo. Nangaral sila sa pamamagitan ng Espiritu na isinugo mula sa langit. Mahigpit na hinahangad ng mga anghel na malaman ang mga bagay na ito.


Magpakabanal Kayo


13Kaya nga, ihanda ninyo ang inyong isipan gaya ng pagkabigkis ng baywang. Magkaroon kayo ng maayos na pag-iisip. Lubos kayong umasa sa biyayang tatamuhin ninyo kapag nahayag na si Jesucristo. 14Tulad ng mga masunuring anak, huwag na kayong makiayon pa sa dating masidhing pita noong kayo ay wala pang pang-unawa. 15At sapagkat ang tumawag sa inyo ay banal, magpakabanal din kayong tulad niya sa lahat ng inyong pag-uugali. 16Ito ay sapagkat nasusulat: Magpaka-banal kayo sapagkat ako ay banal.
17Ang Ama ay humahatol nang walang pagtatangi ayon sa gawa ng bawat isa. Yamang tinatawag ninyo siyang Ama, ang inyong pag-uugali ay dapat may pagkatakot sa panahon na kayo ay namumuhay bilang mga dayuhan. 18Nalalaman ninyong tinubos kayo mula sa walang kabuluhang paraan ng pamumuhay na minana ninyo sa inyong mga ninuno. Ang ipinangtubos sa inyo ay hindi nasisirang mga bagay na gaya ng pilak at ginto. 19Subalit ang ipinangtubos sa inyo ay ang mahalagang dugo ni Cristo. Siya ay tulad ng isang korderong walang kapintasan at walang dungis. 20Alam na ng Diyos ang patungkol sa kaniya noong una pa man, bago pa itinatag ang sanlibutan. Ngunit alang-alang sa inyo, nahayag siya sa mga huling araw na ito. 21Sa pamamagitan niya, nanampalataya kayo sa Diyos na muling bumuhay sa kaniya mula sa mga patay at nagbigay kaluwalhatian sa kaniya. Kaya nga, ang inyong pananampalataya at pag-asa ay mapasa-Diyos.
22Ngayon ay dinalisay na ninyo ang inyong mga kaluluwa sa pamamagitan ng inyong pagsunod sa katotohanan sa pamamagitan ng Espiritu upang kayo ay magkaroon ng pag-ibig na walang pagkukunwari sa mga kapatid. Kaya nga, mag-ibigan kayo sa isa't isa nang buong ningas ng may malinis na puso. 23Ipinanganak kayong muli, hindi sa binhing nasisira kundi sa walang kasiraan, sa pamamagitan ng salita ng Diyos na nabubuhay at namamalagi magpakailanman. 24Ito ay sapagkat sinasabi: Ang lahat ng tao ay gaya ng damo. Ang lahat ng kaluwalhatian ng tao ay gaya ng bulaklak ng damo. Ang damo ay natutuyo at ang bulaklak ay nalalagas. 25Ngunit ang salita ng Panginoon ay mamamalagi magpakailanman.
Ito ang ebanghelyo na ipinangaral sa inyo.

1 Peter 2 (1 Pedro 2)

1 Peter 2 (1 Pedro 2)


1Therefore, rid yourselves of all malice and all deceit, hypocrisy, envy, and slander of every kind. 2Like newborn babies, crave pure spiritual milk, so that by it you may grow up in your salvation, 3now that you have tasted that the Lord is good.


The Living Stone and a Chosen People


4As you come to him, the living Stone—rejected by men but chosen by God and precious to him— 5you also, like living stones, are being built into a spiritual house to be a holy priesthood, offering spiritual sacrifices acceptable to God through Jesus Christ. 6For in Scripture it says: "See, I lay a stone in Zion, a chosen and precious cornerstone, and the one who trusts in him will never be put to shame."[a] 7Now to you who believe, this stone is precious. But to those who do not believe, "The stone the builders rejected has become the capstone,[b]"[c] 8and, "A stone that causes men to stumble and a rock that makes them fall."[d] They stumble because they disobey the message—which is also what they were destined for.
9But you are a chosen people, a royal priesthood, a holy nation, a people belonging to God, that you may declare the praises of him who called you out of darkness into his wonderful light. 10Once you were not a people, but now you are the people of God; once you had not received mercy, but now you have received mercy.
11Dear friends, I urge you, as aliens and strangers in the world, to abstain from sinful desires, which war against your soul. 12Live such good lives among the pagans that, though they accuse you of doing wrong, they may see your good deeds and glorify God on the day he visits us.


Submission to Rulers and Masters


13Submit yourselves for the Lord's sake to every authority instituted among men: whether to the king, as the supreme authority, 14or to governors, who are sent by him to punish those who do wrong and to commend those who do right. 15For it is God's will that by doing good you should silence the ignorant talk of foolish men. 16Live as free men, but do not use your freedom as a cover-up for evil; live as servants of God. 17Show proper respect to everyone: Love the brotherhood of believers, fear God, honor the king.
18Slaves, submit yourselves to your masters with all respect, not only to those who are good and considerate, but also to those who are harsh. 19For it is commendable if a man bears up under the pain of unjust suffering because he is conscious of God. 20But how is it to your credit if you receive a beating for doing wrong and endure it? But if you suffer for doing good and you endure it, this is commendable before God. 21To this you were called, because Christ suffered for you, leaving you an example, that you should follow in his steps. 22"He committed no sin, and no deceit was found in his mouth." 23When they hurled their insults at him, he did not retaliate; when he suffered, he made no threats. Instead, he entrusted himself to him who judges justly. 24He himself bore our sins in his body on the tree, so that we might die to sins and live for righteousness; by his wounds you have been healed. 25For you were like sheep going astray, but now you have returned to the Shepherd and Overseer of your souls.

1 Pedro 2 (1 Peter 2)

1 Pedro 2 (1 Peter 2)

1Kaya nga, alisin na ninyo ang lahat ng masamang hangarin at lahat ng pandaraya. Talikdan na ninyo ang pagkukunwari, pagkainggit at lahat ng uri ng paninirang puri. 2Kung magkagayon, gaya ng sanggol na bagong silang, nasain ninyo ang dalisay na gatas na ukol sa espiritu upang lumago kayo. 3Nasain ninyo ito, yamang nalasap ninyo na ang Panginoon ay mabuti.


Ang Batong Buhay at ang Mga Batong Buhay


4Lumapit kayo sa kaniya na siyang batong buhay na itinakwil ng mga tao. Ngunit sa Diyos siya ay hirang at mahalaga. 5Kayo rin ay katulad ng mga batong buhay. Itinatatag kayo ng Diyos na isang bahay na espirituwal. Kayo ay mga saserdoteng banal, kaya maghandog kayo ng mga handog na espirituwal na kalugud-lugod sa Diyos sa pamamagitan ni Jesucristo. 6Ganito ang sinasabi ng kasulatan: Narito, itinatayo ko sa Zion ang isang pangunahing batong panulok, hinirang at mahalaga. Ang sinumang sumampalataya sa kaniya ay hindi mapapahiya.
7Kaya nga, sa inyo na sumasampalataya, siya ay mahalaga. Ngunit sa mga hindi sumusunod: Ang batong tinakwil ng mga tagapagtayo ang naging pangunahing batong panulok. 8At naging batong ikabubuwal at katitisuran.
Natitisod sila sapagkat hindi sila sumunod sa salita yamang dito rin naman sila itinalaga.
9Ngunit kayo ay isang lahing hinirang, makaharing pagka-saserdote, isang bansang banal at taong pag-aari ng Diyos. Ito ay upang ipahayag ninyo ang kaniyang kadakilaan na siya rin naman ang tumawag sa inyo mula sa kadiliman patungo sa kaniyang kamangha-manghang kaliwanagan. 10Noong nakaraan, kayo ay hindi niya tao ngunit ngayon ay tao na ng Diyos. Noon ay hindi kayo nagkamit ng kahabagan ngunit ngayon ay nagkamit na ng kahabagan.
11Mga minamahal, bilang mga dayuhan at mga pansamantalang naninirahan, ipinamamanhik ko sa inyo na kayo ay lumayo sa masamang pagnanasa ng laman na nakikipaglaban sa kaluluwa. 12Mamuhay kayong maayos sa gitna ng mga Gentil. Nagsasalita sila laban sa inyo na tulad sa gumagawa ng masama. Subalit sa pagkakita nila ng inyong mabubuting gawa ay pupurihin nila ang Diyos sa araw ng kaniyang pagdalaw.


Pagpapasakop sa mga Namumuno at mga Panginoon


13Magpasakop kayo sa bawat pamamahalang itinatag ng tao alang-alang sa Panginoon. Magpasakop kayo maging sa hari na siyang pinakamataas na pinuno. 14Magpasakop kayo maging sa mga gobernador na waring mga sugo niya upang magparusa sa mga gumagawa ng masama at magparangal sa mga gumagawa ng matuwid. 15Ito ay sapagkat ang kalooban ng Diyos na sa paggawa ninyo ng mabuti ay mapatahimik ninyo ang walang kabuluhang salita ng mga taong mangmang. 16Magpasakop kayo bilang mga malaya ngunit huwag ninyong gamitin ang inyong kalayaan bilang panakip sa masamang hangarin. Subalit magpasakop kayo sa Diyos bilang mga alipin. 17Igalang ninyo ang lahat ng tao. Ibigin ninyo ang mga kapatid. Matakot kayo sa Diyos at igalang ninyo ang hari.
18Mga katulong, magpasakop kayo na may buong pagkatakot sa inyong mga amo. Gawin ninyo ito hindi lamang sa mababait at mahinahon kundi sa mga liko rin. 19Ito ay sapagkat kapuri-puri ang isang taong namimighati at naghihirap kahit walang sala kung ang kaniyang budhi ay umaasa sa Diyos. 20Maipagmamapuri ba kung kayo ay nagtitiis ng hirap ng pangbubugbog dahil sa paggawa ng kasalanan? Ngunit kung kayo ay nagtitiis ng hirap dahil sa paggawa ng mabuti ito ay kalugud-lugod sa Diyos. 21Ito ay sapagkat tinawag kayo sa ganitong bagay. Si Cristo man ay naghirap alang-alang sa atin at nag-iwan sa atin ng halimbawa upang kayo ay sumunod sa kaniyang mga hakbang. 22Hindi siya nagkasala at walang pandarayang namutawi sa kaniyang bibig.
23Nang alipustain siya, hindi siya nang-alipusta. Nang naghirap siya, hindi siya nagbanta. Sa halip, ang kaniyang sarili ay ipinagkatiwala niya sa kaniya na humahatol nang matuwid. 24Dinala niya sa kaniyang sariling katawan ang ating mga kasalanan sa ibabaw ng kahoy upang tayo na namatay sa kasalanan ay maging buhay sa katuwiran at dahil sa kaniyang sugat kayo ay gumaling. 25Ito ay sapagkat kayo ay tulad ng mga tupa na naligaw, ngunit nagbalik na kayo ngayon sa Pastol at Tagapangasiwa ng inyong mga kaluluwa.

1 Peter 3 (1 Pedro 3)

1 Peter 3 (1 Perdo 3)


Wives and Husbands


1Wives, in the same way be submissive to your husbands so that, if any of them do not believe the word, they may be won over without words by the behavior of their wives, 2when they see the purity and reverence of your lives. 3Your beauty should not come from outward adornment, such as braided hair and the wearing of gold jewelry and fine clothes. 4Instead, it should be that of your inner self, the unfading beauty of a gentle and quiet spirit, which is of great worth in God's sight. 5For this is the way the holy women of the past who put their hope in God used to make themselves beautiful. They were submissive to their own husbands, 6like Sarah, who obeyed Abraham and called him her master. You are her daughters if you do what is right and do not give way to fear.
7Husbands, in the same way be considerate as you live with your wives, and treat them with respect as the weaker partner and as heirs with you of the gracious gift of life, so that nothing will hinder your prayers.


Suffering for Doing Good


8Finally, all of you, live in harmony with one another; be sympathetic, love as brothers, be compassionate and humble. 9Do not repay evil with evil or insult with insult, but with blessing, because to this you were called so that you may inherit a blessing. 10For, "Whoever would love life and see good days must keep his tongue from evil and his lips from deceitful speech. 11He must turn from evil and do good; he must seek peace and pursue it. 12For the eyes of the Lord are on the righteous and his ears are attentive to their prayer, but the face of the Lord is against those who do evil."
13Who is going to harm you if you are eager to do good? 14But even if you should suffer for what is right, you are blessed. "Do not fear what they fear; do not be frightened." 15But in your hearts set apart Christ as Lord. Always be prepared to give an answer to everyone who asks you to give the reason for the hope that you have. But do this with gentleness and respect, 16keeping a clear conscience, so that those who speak maliciously against your good behavior in Christ may be ashamed of their slander. 17It is better, if it is God's will, to suffer for doing good than for doing evil. 18For Christ died for sins once for all, the righteous for the unrighteous, to bring you to God. He was put to death in the body but made alive by the Spirit, 19through whom also he went and preached to the spirits in prison 20who disobeyed long ago when God waited patiently in the days of Noah while the ark was being built. In it only a few people, eight in all, were saved through water, 21and this water symbolizes baptism that now saves you also—not the removal of dirt from the body but the pledge of a good conscience toward God. It saves you by the resurrection of Jesus Christ, 22who has gone into heaven and is at God's right hand—with angels, authorities and powers in submission to him.

1 Pedro 3 (1 Peter 3)

1 Pedro 3 (1 Pedro 3)

Mga Asawang Babae at mga Asawang Lalaki

1Kayo namang mga asawang babae, magpasakop kayo sa inyong sariling mga asawa. At kung mayroon pa sa kanila na hindi sumusunod sa salita ng Diyos ay madala rin sila ng walang salita sa pamamagitan ng pamumuhay ng asawang babae. 2Madadala sila kapag nakita nila ang inyong dalisay na pamumuhay na may banal na pagkatakot. 3Ang inyong paggayak ay huwag maging sa panlabas lamang. Ito ay huwag maging gaya ng pagtitirintas ng buhok at pagsusuot ng mga hiyas na ginto at mamahaling damit. 4Sa halip, ang pagyamanin ninyo ay ang paggayak sa pagkatao na natatago sa inyong puso, ang kagayakang hindi nasisira na siyang bunga ng maamo at payapang espiritu. Ito ang lubhang mahalaga sa mata ng Diyos. 5Ito ay sapagkat ganito ang kagayakang pinagyaman ng mga babaeng banal noong unang panahon. Sila ay nagtiwala sa Diyos at nagpasakop sa kanilang sariling asawa. 6Katulad ni Sara, sinunod niya at tinawag na panginoon ang kaniyang asawang si Abraham. Kayo rin ay mga anak ni Sara kung mabuti ang inyong mga gawa at wala kayong katatakutang anuman.
7Kayo namang mga asawang lalaki, manahan kayong may pang-unawa kasama ng inyong asawa tulad ng isang mahinang sisidlan. Bigyan ninyo sila ng karangalan sapagkat kapwa ninyo silang tagapagmana ng biyaya ng buhay. Sa gayon ay walang magiging hadlang sa inyong mga panalangin.


Pagdanas ng Hirap sa Paggawa ng Mabuti


8Katapus-tapusan, magkaisa kayo, magdamayan, magmahalan bilang magkakapatid. Kayo ay maging maawain at mapagkaibigan. 9Huwag ninyong gantihan ng masama ang gumagawa sa inyo ng masama. Huwag ninyong alipustain ang umaalipusta sa inyo. Sa halip, gantihan ninyo sila ng pagpapala sapagkat tinawag kayo upang gawin ito, upang kayo ay magmana ng pagpapala. 10Ito ay sapagkat nasusulat: Ang nagnanais umibig sa buhay at makakita ng mabubuting araw ay dapat magpigil ang dila mula sa pagsasalita ng masama. At ang kaniyang labi ay dapat pigilin sa pagsalita ng pandaraya. 11Tumalikod siya sa masama at gumawa siya ng mabuti. Hanapin niya ang kapayapaan at ipagpatuloy niya ito. 12Ito ay sapagkat ang mga mata ng Panginoon ay nasa mga matuwid. Ang kaniyang tainga ay dumirinig ng kanilang panalangin. Ngunit ang mukha ng Panginoon ay laban sa mga gumagawa ng masama.
13Kapag ang sinusunod ninyo ay ang mabuti, sino ang mananakit sa inyo? 14At kung uusigin kayo sa paggawa ng mabuti, pinagpala pa rin kayo. Huwag kayong matakot sa kanilang pinangangambahan at huwag kayong mabagabag. 15Ngunit pakabanalin ninyo ang Panginoong Diyos sa inyong mga puso. Humanda kayong lagi na sumagot sa sinumang magtatanong sa inyo patungkol sa inyong pag-asa, na may kaamuan at pagkatakot. 16Magkaroon kayo ng magandang budhi upang mapahiya ang mga naninirang-puri sa inyo na nagsasabing gumagawa kayo ng masama at tumutuya sa inyong magandang pamumuhay kay Cristo. 17Ito ay sapagkat kung loloobin ng Diyos, higit na mabuti ang magdusa nang dahil sa paggawa ng kabutihan kaysa paggawa ng kasamaan.
18Dahil si Cristo man ay minsang nagdusa dahil sa kasalanan. Ang matuwid para sa mga hindi matuwid upang madala niya tayo sa Diyos. Pinatay siya sa laman ngunit binuhay siya sa pamamagitan ng Espiritu. 19Sa pamamagitan din niya pumunta siya at nangaral sa mga espiritung nakabilanggo. 20Iyan ang mga espiritung sumuway, na nang minsan ay hinintay ng pagbabata ng Diyos noong panahon ni Noe, samantalang ginagawa ang arka. Ilan tao lamang ang naligtas. Walo lamang ang naligtas sa arka sa pamamagitan ng tubig. 21Ang tubig na iyon ang larawan ng bawtismo na ngayon ay nagliligtas sa atin. Hindi sa paglilinis ng karumihan ng makasalanang likas kundi ang tugon ng isang malinis na budhi sa Diyos. Ito ay sa pamamagitan ng pagkabuhay muli ni Jesucristo. 22Siya ay umakyat sa langit at nasa kanan ng Diyos. Ipinasailalim na sa kaniya ng Diyos ang mga anghel, ang mga kapamahalaan at ang mga kapangyarihan.

1 Peter 4 (1 Pedro 4)

1 Peter 4 (1 Pedro 4)

Living for God

1Therefore, since Christ suffered in his body, arm yourselves also with the same attitude, because he who has suffered in his body is done with sin. 2As a result, he does not live the rest of his earthly life for evil human desires, but rather for the will of God. 3For you have spent enough time in the past doing what pagans choose to do—living in debauchery, lust, drunkenness, orgies, carousing and detestable idolatry. 4They think it strange that you do not plunge with them into the same flood of dissipation, and they heap abuse on you. 5But they will have to give account to him who is ready to judge the living and the dead. 6For this is the reason the gospel was preached even to those who are now dead, so that they might be judged according to men in regard to the body, but live according to God in regard to the spirit.
7The end of all things is near. Therefore be clear minded and self-controlled so that you can pray. 8Above all, love each other deeply, because love covers over a multitude of sins. 9Offer hospitality to one another without grumbling. 10Each one should use whatever gift he has received to serve others, faithfully administering God's grace in its various forms. 11If anyone speaks, he should do it as one speaking the very words of God. If anyone serves, he should do it with the strength God provides, so that in all things God may be praised through Jesus Christ. To him be the glory and the power for ever and ever. Amen.


Suffering for Being a Christian


12Dear friends, do not be surprised at the painful trial you are suffering, as though something strange were happening to you. 13But rejoice that you participate in the sufferings of Christ, so that you may be overjoyed when his glory is revealed. 14If you are insulted because of the name of Christ, you are blessed, for the Spirit of glory and of God rests on you. 15If you suffer, it should not be as a murderer or thief or any other kind of criminal, or even as a meddler. 16However, if you suffer as a Christian, do not be ashamed, but praise God that you bear that name. 17For it is time for judgment to begin with the family of God; and if it begins with us, what will the outcome be for those who do not obey the gospel of God? 18And, "If it is hard for the righteous to be saved, what will become of the ungodly and the sinner?"
19So then, those who suffer according to God's will should commit themselves to their faithful Creator and continue to do good.

1 Pedro 4 (1 Peter 4)

1 Pedro 4 (1 Peter 4)


Namumuhay para sa Diyos

1Kaya nga, yamang si Cristo ang nagbata ng hirap sa laman dahil sa atin, maging gayundin nawa ang inyong pag-iisip sapagkat ang nagbata ng hirap sa laman ay tumigil sa pakikipag-ugnayan sa kasalanan. 2Sa nalalabi niyang panahon sa katawang ito ay hindi na siya namuhay para sa masidhing pagnanasa sa laman kundi ang pagsunod sa kalooban ng Diyos. 3Sapat na ang nakaraang panahon ng ating buhay upang gawin ang kalooban ng mga Gentil. Lumakad tayo sa kahalayan, masamang pagnanasa, paglalasing, magulong pagtitipon, mga pag-iinuman at kasuklam-suklam na pagsamba sa mga diyos-diyosan. 4Iniisip nilang hindi pangkaraniwan ang hindi ninyo pakikipamuhay sa kanila sa gayong labis na kaguluhan. Dahil dito nilalait nila kayo. 5Ngunit mananagot sila sa Diyos na handang humatol sa mga buhay at sa mga patay. 6Ito ay sapagkat ang ebanghelyo ay inihayag maging sa mga namatay upang sila ay mahatulan ayon sa mga taong nasa katawang laman ngunit maging buhay ayon sa Diyos sa espiritu.
7Malapit na ang wakas ng lahat ng bagay. Kaya nga, maging maayos ang inyong pag-iisip at laging handa sa pananalangin. 8Higit sa lahat, mag-ibigan kayo ng buong ningas sa isa't isa. Sapagkat ang pag-ibig ay tumatakip ng maraming kasalanan. 9Maging mapagpatuloy kayo sa isa't isa nang hindi mabigat sa loob. 10Ayon sa biyaya na tinanggap ninyo ay ipaglingkod ninyo sa inyong kapwa. Maglingkod kayo gaya ng mabuting katiwala sa masaganang biyaya ng Diyos. 11Kung ang sinuman ay magsalita, magsalita siya tulad ng isang nagsasalita ng salita ng Diyos. Kung ang sinuman ay naglilingkod, maglingkod siya ayon sa lakas na ibinibigay sa kaniya ng Diyos. Gawin niya ang mga ito upang papurihan ang Diyos sa lahat ng bagay sa pamamagitan ni Jesucristo. Sa kaniya ang karangalan at paghahari magpakailan pa man. Siya nawa.


Pagdanas ng Hirap sa Pagiging Isang Kristiyano


12Mga minamahal, huwag ninyong isipin na wari bang hindi pangkaraniwan ang matinding pagsubok na inyong dinaranas. Huwag ninyong isipin na tila baga hindi pangkaraniwan ang nangyayari sa inyo. 13Magalak kayo na kayo ay naging bahagi sa mga paghihirap ni Cristo. Kapag nahayag na ang kaniyang kaluwalhatian labis kayong magagalak. 14Kapag kayo ay inalipusta dahil sa pangalan ni Cristo, pinagpala kayo sapagkat ang Espiritu ng kaluwalhatian at ng Diyos ay nananahan sa inyo. Sa ganang kanila, siya ay inalipusta, ngunit sa ganang inyo siya ay pinarangalan. 15Huwag magdusa ang sinuman sa inyo bilang mamamatay tao, o magnanakaw, o gumagawa ng masama o mapanghimasok sa gawain ng iba. 16Ngunit bilang isang mananampalataya huwag ikahiya ninuman kung siya ay magdusa. Sa halip, purihin niya ang Diyos sa bagay na ito. 17Ito ay sapagkat dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa sambahayan ng Diyos. Ngunit kung sa atin ito nagsimula, ano kaya ang magiging wakas ng mga taong sumusuway sa ebanghelyo ng Diyos? 18At kung ang kaligtasan ay mahirap para sa matuwid, ano kaya ang magiging kalagayan ng hindi kumikilala sa Diyos at ng makasalanan?
19Kaya ang mga nagbabata dahil sa pagsunod sa kalooban ng Diyos ay italaga nila ang kanilang kaluluwa sa kaniya na matapat na Manglilikha at magpatuloy sa paggawa ng mabuti.

1 Peter 5 (1 Pedro 5)

1 Peter 5 (1 Peter 5)

To Elders and Young Men

1To the elders among you, I appeal as a fellow elder, a witness of Christ's sufferings and one who also will share in the glory to be revealed: 2Be shepherds of God's flock that is under your care, serving as overseers—not because you must, but because you are willing, as God wants you to be; not greedy for money, but eager to serve; 3not lording it over those entrusted to you, but being examples to the flock. 4And when the Chief Shepherd appears, you will receive the crown of glory that will never fade away.
5Young men, in the same way be submissive to those who are older. All of you, clothe yourselves with humility toward one another, because, "God opposes the proud but gives grace to the humble." 6Humble yourselves, therefore, under God's mighty hand, that he may lift you up in due time. 7Cast all your anxiety on him because he cares for you.
8Be self-controlled and alert. Your enemy the devil prowls around like a roaring lion looking for someone to devour. 9Resist him, standing firm in the faith, because you know that your brothers throughout the world are undergoing the same kind of sufferings.
10And the God of all grace, who called you to his eternal glory in Christ, after you have suffered a little while, will himself restore you and make you strong, firm and steadfast. 11To him be the power for ever and ever. Amen.


Final Greetings

12With the help of Silas, whom I regard as a faithful brother, I have written to you briefly, encouraging you and testifying that this is the true grace of God. Stand fast in it. 13She who is in Babylon, chosen together with you, sends you her greetings, and so does my son Mark. 14Greet one another with a kiss of love. Peace to all of you who are in Christ.

1 Pedro 5 (1 Peter 5)

1 Pedro 5 (1 Peter 5)


Sa mga Matanda at mga Kabataang Lalaki

1Ang mga matanda na nasa inyo ay pinagtatagubilinan ko bilang isa ring matanda na nakasaksi sa mga paghihirap ni Cristo at bilang kabahagi rin ng kaluwalhatiang ihahayag. 2Ipinamamanhik kong pangalagaan ninyo ang kawan ng Diyos na ipinagkatiwala sa inyo. Pangasiwaan ninyo sila, hindi dahil sa napipilitan kayo kundi kusang-loob, hindi dahil sa kasakiman sa pagkakamal ng salapi sa masamang paraan kundi sa paghahangad na makapaglingkod. 3At hindi bilang panginoon ng inyong nasasakupan kundi bilang huwaran sa inyong kawan. 4Sa pagparito ng Pangulong Pastol tatanggap kayo ng hindi nasisirang putong ng kaluwalhatian.
5Kayo namang mga kabataan, magpasakop kayo sa mga matanda. Magpasakop kayo sa isa't isa at isuot ninyo ang kapakumbabaan sapagkat sinasaway ng Diyos ang mga palalo at nagbibigay biyaya sa mga mapagpakumbaba.
6Kaya nga, magpakumbaba kayo sa ilalim ng makapangyarihang kamay ng Diyos upang kayo ay kaniyang itaas sa takdang panahon. 7Ilagak ninyo sa kaniya ang lahat ninyong kabalisahan sapagkat siya ay nagmamalasakit sa inyo.
8Magkaroon kayo ng maayos na pag-iisip at magbantay kayo sapagkat ang diyablo na kaaway ninyo ay parang leon na umaatungal at umaali-aligid na naghahanap kung sino ang malalamon niya. 9Magpakatatag kayo sa inyong pananampalataya. Labanan ninyo siya. Tulad ng nalalaman ninyo, dumaranas din ng gayong kahirapan ang mga kapatid ninyo sa buong sanlibutan.
10Ang Diyos ng lahat ng biyaya, ang siyang tumawag sa inyo sa kaniyang walang hanggang kaluwalhatian kay Cristo Jesus. Pagkatapos ninyong maghirap ng maikling panahon, siya rin ang magpapaging-ganap, magpapalakas, magbibigay ng kakayanan at magpapatatag sa inyo. 11Sumakaniya nawa ang papuri at paghahari magpakailanman. Siya nawa!


Panghuling Pagbati

12Isinulat ko ang maikling liham na ito sa tulong ni Silvano na itinuturing kong matapat na kapatid upang mahikayat ko kayo ng may katapatan at patunayan sa inyo na ito nga ang totoong biyaya ng Diyos na nagpapatatag sa inyo.
13Ang babae na nasa Babilonia ay bumabati sa inyo. Siya rin ay isang hinirang na tulad ninyo. Binabati rin kayo ni Marcos na aking anak. 14Batiin ninyo ang isa't isa ng halik ng pag-ibig. Ang kapayapaan ay sumainyong lahat na na kay Cristo Jesus. Siya nawa!

2 Peter 1 (2 Pedro 1)

2 Peter 1 (2 Pedro 1)


1Simon Peter, a servant and apostle of Jesus Christ, To those who through the righteousness of our God and Savior Jesus Christ have received a faith as precious as ours:
2Grace and peace be yours in abundance through the knowledge of God and of Jesus our Lord.


Making One's Calling and Election Sure


3His divine power has given us everything we need for life and godliness through our knowledge of him who called us by his own glory and goodness. 4Through these he has given us his very great and precious promises, so that through them you may participate in the divine nature and escape the corruption in the world caused by evil desires.
5For this very reason, make every effort to add to your faith goodness; and to goodness, knowledge; 6and to knowledge, self-control; and to self-control, perseverance; and to perseverance, godliness; 7and to godliness, brotherly kindness; and to brotherly kindness, love. 8For if you possess these qualities in increasing measure, they will keep you from being ineffective and unproductive in your knowledge of our Lord Jesus Christ. 9But if anyone does not have them, he is nearsighted and blind, and has forgotten that he has been cleansed from his past sins.
10Therefore, my brothers, be all the more eager to make your calling and election sure. For if you do these things, you will never fall, 11and you will receive a rich welcome into the eternal kingdom of our Lord and Savior Jesus Christ.


Prophecy of Scripture


12So I will always remind you of these things, even though you know them and are firmly established in the truth you now have. 13I think it is right to refresh your memory as long as I live in the tent of this body, 14because I know that I will soon put it aside, as our Lord Jesus Christ has made clear to me. 15And I will make every effort to see that after my departure you will always be able to remember these things.
16We did not follow cleverly invented stories when we told you about the power and coming of our Lord Jesus Christ, but we were eyewitnesses of his majesty. 17For he received honor and glory from God the Father when the voice came to him from the Majestic Glory, saying, "This is my Son, whom I love; with him I am well pleased."[a] 18We ourselves heard this voice that came from heaven when we were with him on the sacred mountain.
19And we have the word of the prophets made more certain, and you will do well to pay attention to it, as to a light shining in a dark place, until the day dawns and the morning star rises in your hearts. 20Above all, you must understand that no prophecy of Scripture came about by the prophet's own interpretation. 21For prophecy never had its origin in the will of man, but men spoke from God as they were carried along by the Holy Spirit.

2 Pedro 1 (2 Peter 1)

2 Pedro 1 (2 Peter 1)


1Akong si Simon Pedro ay alipin at apostol ni Jesucristo. Sumusulat ako sa kanila na kasama naming tumanggap ng mahalagang pananampalataya katulad ng aming pananampalataya sa pamamagitan ng katuwiran ng ating Diyos at Tagapagligtas na si Jesucristo.
2Sumagana sa inyo ang biyaya at kapayapaan sa pagkakilala sa Diyos at kay Jesus na Panginoon natin.


Tiyakin Ninyong Kayo ay Tinawag at Hinirang ng Diyos

3Ayon sa kaniyang kapangyarihan, ipinagkaloob sa atin ng Diyos ang lahat ng bagay na nauukol sa buhay at sa pagkamaka-Diyos sa pamamagitan ng pagkakilala sa kaniya na tumawag sa atin sa pamamagitan ng kaluwalhatian at kapangyarihan. 4Sa pamamagitan nito, ibinigay niya sa atin ang kaniyang mga mahalaga at dakilang pangako upang sa pamamagitan ng mga ito ay makabahagi kayo sa banal na kalikasan ng Diyos. Yamang nakaiwas na kayo sa kabulukan na nasa sanlibutan dahil sa masamang pagnanasa, nakabahagi kayo sa banal na kabanalan ng Diyos.
5Dahil dito, pagsikapan ninyong idagdag sa inyong pananampalataya ang kagandahang-asal at sa kagandahang-asal, ang kaalaman. 6Idagdag ninyo sa kaalaman ang pagpipigil, at sa pagpipigil ay ang pagtitiis, at sa pagtitiis ay ang pagkamaka-Diyos. 7Idagdag ninyo sa pagkamaka-Diyos ay ang pag-ibig sa kapatid at sa pag-ibig sa kapatid ay ang pag-ibig. 8Ito ay sapagkat kung taglay ninyo at nananagana sa inyo ang mga katangiang ito, hindi kayo magiging tamad o walang bunga sa pagkakilala sa ating Panginoong Jesucristo. 9Ngunit ang sinumang wala ng mga katangiang ito ay bulag, maiksi ang pananaw. Nakalimutan na niyang nalinis na siya sa mga dati niyang kasalanan.
10Kaya nga, mga kapatid, pagsikapan ninyong lalo na maging tiyak ang pagkatawag at pagkahirang sa inyo sapagkat kung gagawin ninyo ito, kailanman ay hindi na kayo matitisod. 11Ito ay sapagkat sa ganitong paraan ay ibibigay sa inyo ang masaganang pagpasok sa walang hanggang paghahari ng ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesucristo.


Ang Kasulatan ay Sinabi na Noong Una Pa


12Kaya nga, hindi ako magpapabaya sa pagpapaala-ala sa inyo ng mga bagay na ito bagamat alam na ninyo ang mga katotohanan at matatag na kayo sa katotohanan na inyo nang tinaglay. 13Aking minabuti na pakilusin kayo upang maala-ala ninyo ito samantalang nabubuhay pa ako sa toldang ito na pansamantalang tirahan. 14Yamang alam kong hindi na magtatagal at lilisanin ko na ang aking tirahan ayon sa ipinakita sa akin ng ating Panginoong Jesucristo. 15Sisikapin ko ang lahat upang sa aking pag-alis ay maala-ala pa ninyo ang mga bagay na ito.
16Ito ay sapagkat hindi kami sumunod sa mga kathang-isip na maingat na ginawa nang ipakilala namin sa inyo ang patungkol sa kapangyarihan at pagdating ng ating Panginoong Jesucristo, kundi nasaksihan namin ang kaniyang kadakilaan. 17Ito ay sapagkat nakita namin nang ipagkaloob sa kaniya ng Diyos Ama ang karangalan at kaluwalhatian. Ito ay nangyari nang marinig niya ang gayong uri ng tinig na dumating sa kaniya mula sa napakadakilang kaluwalhatian: Ito ang minamahal kong Anak na lubos kong kinalugdan. 18Narinig namin ang tinig na ito mula sa langit nang kami ay kasama niya sa banal na bundok.
19Taglay namin ang salita ng mga propeta na lubos na mapagkakatiwalaan. Makakabuting isaalang-alang ninyo ito. Ang katulad nito ay isang ilawan na nagliliwanag sa kadiliman hanggang sa mabanaag ang bukang-liwayway at ang tala sa umaga ay sumikat sa inyong mga puso. 20Higit sa lahat, dapat ninyong unang malaman na alinmang pahayag sa kasulatan ay hindi nagbuhat sa sariling paliwanag. 21Ito ay sapagkat ang mga pahayag ay hindi dumating sa pamamagitan ng kalooban ng tao ngunit nagsalita ang mga banal na tao ng Diyos nang sila ay ginabayan ng Banal na Espiritu.

2 Peter 2 (2 Pedro 2)

2 Peter 2 (2 Pedro 2)


False Teachers and Their Destruction


1But there were also false prophets among the people, just as there will be false teachers among you. They will secretly introduce destructive heresies, even denying the sovereign Lord who bought them—bringing swift destruction on themselves. 2Many will follow their shameful ways and will bring the way of truth into disrepute. 3In their greed these teachers will exploit you with stories they have made up. Their condemnation has long been hanging over them, and their destruction has not been sleeping.
4For if God did not spare angels when they sinned, but sent them to hell, putting them into gloomy dungeons to be held for judgment; 5if he did not spare the ancient world when he brought the flood on its ungodly people, but protected Noah, a preacher of righteousness, and seven others; 6if he condemned the cities of Sodom and Gomorrah by burning them to ashes, and made them an example of what is going to happen to the ungodly; 7and if he rescued Lot, a righteous man, who was distressed by the filthy lives of lawless men 8(for that righteous man, living among them day after day, was tormented in his righteous soul by the lawless deeds he saw and heard)— 9if this is so, then the Lord knows how to rescue godly men from trials and to hold the unrighteous for the day of judgment, while continuing their punishment. 10This is especially true of those who follow the corrupt desire of the sinful nature and despise authority.
Bold and arrogant, these men are not afraid to slander celestial beings; 11yet even angels, although they are stronger and more powerful, do not bring slanderous accusations against such beings in the presence of the Lord. 12But these men blaspheme in matters they do not understand. They are like brute beasts, creatures of instinct, born only to be caught and destroyed, and like beasts they too will perish.
13They will be paid back with harm for the harm they have done. Their idea of pleasure is to carouse in broad daylight. They are blots and blemishes, reveling in their pleasures while they feast with you. 14With eyes full of adultery, they never stop sinning; they seduce the unstable; they are experts in greed—an accursed brood! 15They have left the straight way and wandered off to follow the way of Balaam son of Beor, who loved the wages of wickedness. 16But he was rebuked for his wrongdoing by a donkey—a beast without speech—who spoke with a man's voice and restrained the prophet's madness.
17These men are springs without water and mists driven by a storm. Blackest darkness is reserved for them. 18For they mouth empty, boastful words and, by appealing to the lustful desires of sinful human nature, they entice people who are just escaping from those who live in error. 19They promise them freedom, while they themselves are slaves of depravity—for a man is a slave to whatever has mastered him. 20If they have escaped the corruption of the world by knowing our Lord and Savior Jesus Christ and are again entangled in it and overcome, they are worse off at the end than they were at the beginning. 21It would have been better for them not to have known the way of righteousness, than to have known it and then to turn their backs on the sacred command that was passed on to them. 22Of them the proverbs are true: "A dog returns to its vomit,"and, "A sow that is washed goes back to her wallowing in the mud."

2 Pedro 2 (2 Peter 2)

2 Pedro 2 (2 Peter 2)


Lilipulin ng Diyos ang Mga Huwad na Tagapagturo


1Ngunit nagkaroon ng mga bulaang propeta sa gitna ng mga tao. Gayundin naman may lilitaw ring mga bulaang guro sa inyo. Lihim nilang ipapasok ang mga nakakasirang maling katuruan. Ikakaila rin nila ang naghaharing Panginoon na bumili sa kanila. Inilalagay nila ang kanilang sarili sa biglang kapahamakan. 2Marami ang susunod sa kanilang mga gawang nakakawasak. Dahil sa kanila, pagsasalitaan ng masama ang daan ng katotohanan. 3Sa kanilang kasakiman ay makikinabang sila dahil sa inyong mga salapi sa pamamagitan ng gawa-gawang salita. Ang hatol sa kanila mula pa noon ay hindi na magtatagal at ang kanilang pagkalipol ay hindi natutulog.
4Ito ay sapagkat hindi pinaligtas ng Diyos ang mga anghel na nagkasala subalit sila ay ibinulid sa kailaliman at tinanikalaan ng kadiliman upang ilaan para sa paghuhukom. 5Gayundin naman hindi rin pinaligtas ng Diyos ang sanlibutan noong unang panahon kundi ginunaw niya ito dahil sa hindi pagkilala sa Diyos. Ngunit iningatan niya si Noe na taga-pangaral ng katuwiran na kasama ng pitong iba pa. 6Nang ang mga lungsod ng Sodoma at Gomora ay natupok ng apoy, hinatulan sila ng matinding pagkalipol upang maging halimbawa sa mga mamumuhay nang masama. 7Ngunit iniligtas ng Diyos ang matuwid na si Lot na lubhang nahahapis sa mahahalay na pamumuhay ng masama. 8Ito ay sapagkat naghihirap ang kaluluwa ng matuwid na tao sa kanilang mga gawa na hindi ayon sa kautusan. Ito ay kaniyang nakikita at naririnig sa araw-araw niyang pakikipamuhay sa kanila. 9Alam ng Panginoon kung paano ililigtas mula sa mga pagsubok ang mga sumasamba sa Diyos. Alam din niya kung paanong ilaan ang mga hindi matuwid para sa araw ng paghuhukom upang sila ay parusahan. 10Inilaan niya sa kaparusahan lalo na ang mga lumalakad ayon sa laman sa pagnanasa ng karumihan at lumalait sa mga may kapangyarihan. Sila ay mapangahas, ginagawa ang sariling kagustuhan at hindi natatakot lumait sa mga maluwalhatiang nilalang. 11Ang mga anghel na higit na malakas at makapangyarihan ay hindi humahatol na may panlalait laban sa kanila sa harapan ng Panginoon. 12Ang mga taong ito ay parang maiilap na hayop na hindi makapangatuwiran, na ipinanganak upang hulihin at patayin. Nilalait nila maging ang mga bagay na hindi nila nalalaman. Sila ay lubusang mapapahamak sa kanilang kabulukan.
13Tatanggapin nila ang kabayaran sa ginagawa nilang kalikuan. Inaari nilang kaligayahan ang labis na pagpapakalayaw kahit na araw. Sila ay tulad ng mga dungis at batik kapag sila ay nakikisalo sa inyo samantalang sila ay labis na nagpapakalayaw sa kanilang pandaraya. 14Ang mata nila ay puspos ng pangangalunya. Wala silang tigil sa paggawa ng kasalanan. Inaakit nila ang hindi matatag ang pag-iisip. Nasanay ang kanilang puso sa kasakiman. Sila ay mga taong isinumpa. 15Iniwan nila ang tamang daan at sila ay naligaw nang sundan nila ang daan ni Balaam na anak ni Besor. Inibig ni Balaam ang kabayaran sa paggawa ng kalikuan. 16Kayat siya ay sinaway sa kaniyang pagsalangsang at isang asnong pipi, na nagsalita ng tinig ng tao, ang siyang nagbawal sa kahangalan ng propeta.
17Ang mga bulaang gurong ito ay tulad ng bukal na walang tubig at mga ulap na itinataboy ng unos. Inilaan na sa kanila ang pusikit na kadiliman magpakailanman. 18Ito ay sapagkat ang mapagmalaki nilang pananalita ay walang kabuluhan dahil inaakit nila sa pamamagitan ng masamang pagnanasa ng kahalayan sa laman yaong mga tunay na nakaligtas na mula sa mga taong may lihis na pamumuhay. 19Pinapangakuan nila ng kalayaan ang mga naaakit nila gayong sila ay alipin ng kabulukan sapagkat ang tao ay alipin ng anumang nakakadaig sa kaniya. 20Ito ay sapagkat nakawala na sa kabulukan ng sanlibutan ang mga taong kumikilala sa Panginoon at Tagapagligtas na si Jesucristo. Subalit kung muli silang masangkot at madaig, ang magiging kalagayan nila ay masahol pa kaysa sa dati. 21Ito ay sapagkat mabuti pang hindi na nila nalaman ang daan ng katuwiran kaysa tumalikod pagkatapos na malaman ang banal na utos na ibinigay sa kanila. 22Kung magkagayon, nangyari sa kanila ang kawikaang totoo: Bumabalik ang aso sa sarili niyang suka at sa paglulublob sa pusali ang baboy na nahugasan na.

2 Peter 3 (2 Pedro 3)

2 Peter 3 (2 Pedro 3)


The Day of the Lord


1Dear friends, this is now my second letter to you. I have written both of them as reminders to stimulate you to wholesome thinking. 2I want you to recall the words spoken in the past by the holy prophets and the command given by our Lord and Savior through your apostles.
3First of all, you must understand that in the last days scoffers will come, scoffing and following their own evil desires. 4They will say, "Where is this 'coming' he promised? Ever since our fathers died, everything goes on as it has since the beginning of creation." 5But they deliberately forget that long ago by God's word the heavens existed and the earth was formed out of water and by water. 6By these waters also the world of that time was deluged and destroyed. 7By the same word the present heavens and earth are reserved for fire, being kept for the day of judgment and destruction of ungodly men.
8But do not forget this one thing, dear friends: With the Lord a day is like a thousand years, and a thousand years are like a day. 9The Lord is not slow in keeping his promise, as some understand slowness. He is patient with you, not wanting anyone to perish, but everyone to come to repentance.
10But the day of the Lord will come like a thief. The heavens will disappear with a roar; the elements will be destroyed by fire, and the earth and everything in it will be laid bare.
11Since everything will be destroyed in this way, what kind of people ought you to be? You ought to live holy and godly lives 12as you look forward to the day of God and speed its coming.That day will bring about the destruction of the heavens by fire, and the elements will melt in the heat. 13But in keeping with his promise we are looking forward to a new heaven and a new earth, the home of righteousness.
14So then, dear friends, since you are looking forward to this, make every effort to be found spotless, blameless and at peace with him. 15Bear in mind that our Lord's patience means salvation, just as our dear brother Paul also wrote you with the wisdom that God gave him. 16He writes the same way in all his letters, speaking in them of these matters. His letters contain some things that are hard to understand, which ignorant and unstable people distort, as they do the other Scriptures, to their own destruction.
17Therefore, dear friends, since you already know this, be on your guard so that you may not be carried away by the error of lawless men and fall from your secure position. 18But grow in the grace and knowledge of our Lord and Savior Jesus Christ. To him be glory both now and forever! Amen.

2 Pedro 3 (2 Peter 3)

2 Pedro 3 (2 Peter 3)


Ang Araw ng Panginoon


1Mga minamahal, ito ang ikalawang sulat ko sa inyo. Sa dalawang sulat na ito ay ginigising ko ang inyong malinis na pag-iisip sa pagpapaala-ala sa inyo. 2Ito ay upang lagi ninyong alalahanin ang mga salitang sinabi ng mga banal na propeta noong una pa at ang mga utos ng Panginoon at Tagapagligtas sa pamamagitan namin na mga apostol.
3Dapat ninyong malaman muna na sa mga huling araw ay darating ang mga manunuya na lumalakad ayon sa sarili nilang masamang pagnanasa. 4Kanilang sasabihin: Nasaan ang katuparan ng pangako ng kaniyang pagparito? Ito ay sapagkat natulog na ang ating mga ninuno ngunit ang lahat ay nananatili pa ring gayon simula pa ng paglalalang. 5Ito ay sapagkat sadya nilang nilimot na sa pamamagitan ng Diyos ay nagkaroon ng kalangitan noon pang una at ang lupa ay lumitaw mula sa tubig at sa ilalim ng tubig. 6Sa pamamagitan din nito, ang sanlibutan na nagunaw ng tubig nang panahong iyon ay nalipol. 7Sa pamamagitan ng salita ng Diyos ang kalangitan ngayon at ang lupa ay iningatang nakatalaga para sa apoy at para sa araw ng paghuhukom at pagkalipol ng mga taong hindi kumikilala sa Diyos.
8Ngunit mga minamahal, huwag ninyong kalimutan ito: Sa Panginoon ang isang araw ay tulad sa isang libong taon at ang isang libong taon ay tulad ng isang araw. 9Ang katuparan ng pangako ay hindi inaantala ng Panginoon tulad ng inaakala ng iba. Siya ay mapagtiis sa atin. Hindi niya nais na ang sinuman ay mapahamak kundi ang lahat ay magsisi.
10Ngunit ang araw ng Panginoon ay darating tulad ng magnanakaw sa gabi. Sa araw na iyon ang kalangitan ay mapaparam na may malakas na ugong. Ang lahat ng mga sangkap na bumubuo ng sanlibutan ay masusunog at mawawasak. Ang lupa at ang mga bagay na ginawa na naroroon ay mapupugnaw.
11Yamang ang lahat ng bagay na ito ay mawawasak, ano ngang pagkatao ang nararapat sa inyo? Dapat kayong mamuhay sa kabanalan at pagkamaka-Diyos. 12Hintayin ninyo at madaliin ang pagdating ng araw ng Diyos. Sa araw na iyon ang langit ay masusunog at mawawasak. Ang lahat ng mga sangkap na bumubuo ng sanlibutan ay matutunaw sa matinding init. 13Ngunit ayon sa pangako ng Diyos tayo ay naghihintay ng bagong langit at bagong lupa. Ang katuwiran ay nananahan doon.
14Kaya nga, mga minamahal, yamang hinihintay natin ang mga bagay na ito, sikapin ninyong masumpungan niya tayong walang dungis at walang kapintasan at mapayapa sa kaniyang pagdating. 15Inyong ariin na ang pagtitiis ng ating Panginoon ay kaligtasan. Ito rin ang isinulat sa inyo ng minamahal na kapatid nating si Pablo ayon sa karunungang kaloob sa kaniya. 16Gayundin naman sa lahat ng kaniyang sulat, sinasalita niya ang mga bagay na ito. Ilan sa mga ito ay mahirap unawain at binigyan ng maling kahulugan ng mga hindi naturuan at hindi matatag. Ganito rin ang kanilang ginagawa sa ibang kasulatan sa ikapapahamak ng kanilang sarili.
17Kaya nga, kayo mga minamahal, dahil alam na ninyo ang mga bagay na ito noon pa, mag-ingat kayo baka kayo mahulog sa inyong matatag na kalalagayan at mailigaw ng kamalian ng mga walang pagkilala sa kautusan ng Diyos. 18Lumago kayo sa biyaya at kaalaman ng ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesucristo. Sa kaniya ang kapurihan ngayon at magpakailanman. Siya nawa!